CHAPTER 82

433 17 6
                                    


Chapter 82:

Sa pagkaka-upo dito sa balcony ay nakatanaw ako kay Maxirous at sa yaya niya habang naglalaro sila sa Theme Playground na sinadyang pinagawa ni daddy para sa anak ko upang malibang man lang kahit nandito lang kami sa bahay.

Sa pagmamasid ko sa mukha ni Maxirous ay sobrang masaya siya sa pakikipaglaro kay Wenwen.

Ito na ang huling paglalaro nila dahil nagpaalam na si Wenwen na magre-resign siya at halos magdadalawang taon ito sa amin kaya alam ko na malulungkot si Maxirous ngunit kailangan din ni Wenwen umalis dahil may sarili itong pamilya na kailangan niya din bantayan ang kan’yang mga anak. Bilang isang ina ay naiintindihan ko ito.

Naisipan kong pumasok sa loob at dumiretso dito sa living room sabay upo sa couch na kinuha ko ang isang magazines na nasa ibabaw ng mahogany table.

“May nakuha na po ba kayong ipapalit kay Wenwen?” tanong ko kay Aling Isang na mula sa peripheral vision ay nakikita ko siyang nililinisan ang piano.

“Ah, sa ngayon ay wala pa akong nahahanap. Iyong mga kakilala ko ay inalok ko sila sa trabaho ngunit wala sa kanila may gusto.”

Nilingon ko siya, “Sa tingin niyo po... Aabot ba sa isang linggo bago makakuha nang bantay?”

Tila’y nag-isip ito nang sagot. “Sa tingin ko ‘ho ay baka matagalan lalo na’t kailangan ko pa suriin ang pagkatao nila.”

Tumango ako. “Ang importante ay mapagkakatiwalaan ang taong makukuha mo. Siguridad ni Ruru ang mahalaga,” binalik ko ang atensyon sa pagbabasa. “Kapag hanapin ako ni Ruru, pakisabi na nasa library ako,” utos ko sabay tayo.

“Oho,” magalang na yumuko si Aling Ising.

I silently walk in the hallway towards my library.  Sa paghinto ko harapan ng library ay binuksan ko ang pinto. Lumapit ako sa bookshelf upang kumuha nang libro at pagkatapos ay umupo ako sa mahabang sofa.

Sa hawak kong libro ay wala akong maintindihan sa aking binabasa siguro ay hindi tumatakbo ng maayos ang isip ko. Bobo na ba ako? Nakakatakot kung gano’n man.

Isinandal ko ang sarili sa sofa sabay pikit nang mata. Naisip ko dahil sa maraming nangyayari ay gusto ko munang magbakasyon sa isla upang mabawasan ang problema ko ngayon. Kahit sandaling pamamahinga lang kasama ang anak ko ay ayos na sa ‘kin.

May narinig akong busina, limang beses kung hindi ako nagkakamali. Pagdilat ko ay tumingin ako sa bintanang nakabukas at bigla akong nagulat nang may isang kotseng dumaan na patungo ito sa garage.

Walang bakas nang ingay ang silid ng lisanin ko ito. Kahit malayo pa sa front door ay nakikita kong may kumakarga na kay Maxi. I smirked without hesitation.

“How are you doing little boy?” the man asked my son.

“I’m doing fine but sadness are visiting me,” Maxi answered politely.

“Sad? Why?”

“Because you’re not here, papa,” he pouted.

“Oh!” the man nodded in several way. “But I’m already here so don’t be sad anymore,” he pinched my son’s nose.

“You will not gonna leave me again, papa?”

“Yes,” after the man answered he look at me then he genuinely smile. “Ang pangit mo na, kapatid.” Ngumuso ako.

“So what?” Tinaasan ko siya nang kilay. “Kailangan ba palagi akong maganda?” sarkistong kong tanong na ikinalingon ni Ruru.

“Yes mommy! Dapat you are always pretty. Baka po may manligaw na sa inyo,” sinabayan iyon ng bungisngis ni Ruru na binigyan ko agad nang matalim na tingin si kuya.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon