CHAPTER 97

334 16 12
                                    

Chapter 97:

Dilim ang sumakop sa kapaligiran na kahit ang mga emergency light na nakakabit sa bawat poste ng arena ay hindi sapat para magbigay ng liwanag.

Hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila kaya ginamit ko ang pagkakataon umalis sa ring kahit nangangapa at may nababangga na ako.

May mga nakakasabayan ako sa paglakad-takbo. ‘Ramdam ko may sumusubok hawakan ako pero sinasagi ko ang bawat humaharang.

“Don’t let the empress escape!” sa pagsigaw ulit ni Scarlet ay saktong nakalabas ako ng arena.

Kahit may nababangga akong hindi mawaring bagay sa hallway dulot ng dilim ay patuloy akong tumakbo dahil nararamdaman kong hinahabol ako ng Black Phoenixxxx.

Bumibigat ang paghingal ko dahil sa pagod. Kahapon pa wala kaming pahinga ni Simon sa kamay nila Scarlet kaya hiling ko talaga ay makauwi kami ng ligtas sa tulong ng CBG.

Napabuga ako ng hininga nang nasa tuktok na ako ng ikalawang palapag kaya ilang segundo o minuto na lang ay mapupuntahan ko na si Simon. Napahinto ako sa pagtampal ng dibdib nang madinig ko ang ilang ingay sa baba kaya madalian akong napatakbo.

Sa kalagitnaan ng pagtakbo ay may humawak sa aking pulso na mabilis akong hinablot papasok sa makipot na sulok. Magsasalita sana ako subalit naamoy ko kung sino ito.

“Stay still, ma’am,” he whispered.

Hindi ko tiningala ang humablot sa akin nang ipinatong niya ang kan’yang baba sa balikat ko tsaka huminga ng mabibigat na niyapos ako nang mahigpit na yakap.

“Just stay a little bit longer we can escape safely... baby,” I can feel how my heart stop pounding normally when he mentioned the last word.

“S-Simon,” ang pagbanggit ko sa pangalan niya ay napalunok ako.

“Baby, I’m back...” ang puso ko kumakabog ng mabilis na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. “I’m back baby... my memory is back,” ang tuhod ko ang nanghihina na para bang ano mang oras ay mapapaupo ako.

“Baby?” nanginginig ang labi ko na banggitin ang endearment na minsan ginagamit ng asawa ko.

“I’m sorry if I didn’t recognize you immediately when our paths cross again. I’m s-sorry if you suffer a lot b-because of me,” may konting basa akong nararamdaman sa aking leeg ng sumiksik siya na kalauna’y humikbi itong ng mahina.

Sa bawat hikbi niya ay napapayakap ako ng mahigpit at kinagat ko ang aking labi na pinipigilan umiyak. Hindi ako nagkamali ng hinala na siya ang asawa ko sa kuwento pa lang ni Assej. Malakas na ang kutob ko na siya nga.

Ang puso ko ngayon ay nababalot ng kasiyahan dahil sa wakas ay nasa kanlungan na ako mismo ng tunay kong tahanan na matagal ko nang hinahanap.

Masuyo kong hinawakan ang balikat niya na kusang lumayo ito. Matamis akong napangiti ng maaninag ko ang mukha niya na mamasa-masa dahil sa luha. Ang mga mata nito ay malumanay at inosenteng tignan.

Wala salitang hinalikan ko ang nilandasan ng mga luha niya sa mukha. Hindi ito umatras sa ginawa ko bagkus ay hinawakan ang baywang ko na pinisil iyon.

Walang ingay na bumababa ang halik ko sa malambot niyang labi na masuyo kong hinalikan iyon na ginantihan niya ng tugon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ng asawa ko na ikina- ungol niya ng mahina tsaka ako mismo ang pumutol ng ginagawa namin.

Pinagtagpo ko ang mga tungil ng ilong namin. “Thank you for coming back, Valorous King...” naramdaman ko ang ngiti niya sa labi.

“Thank you for waiting patiently empress,” malawak napangiti ang aking labi.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon