Chapter 86:
Ang mga hakbang ni kuya ay halos hindi ko masabayan. Kanina pa itong hindi mapakali nang nasa sasakyan kami na halos gusto niya paliparin ang kotse.
Nang pinatay ko kanina ang tawag mula sa butler ay saktong lumapit sa akin si kuya na sinabi niya ang tungkol kay daddy. Tinawagan din siya ng ibang butler kaya walang patumpik-tumpik ay agad kami nagtungo rito sa hospital.
Sila Devon ay nagpaiwan sa bahay na napagdesisyunan nilang lahat na doon matulog. Hinayaan ko lang ang mga ito.
Napatakbo ako rito sa hallway nang nakita kong nakaupo si mommy sa bench.
“Mom!” pagkarinig ni mommy sa boses ko ay napatayo ito sabay hikbi.
“Anak,” sinalubong niya ako ng yakap saka humagulhol sa balikat ko. “A-Almost two hours nang nasa operating r-room ang daddy niyo,” humigpit ang yakap ko.
“It’s gonna be fine mom. I know that our daddy will survive it,” I’m trying to comfort our mother.
“What if he didn’t make it?” Napalayo ako sa tinuran ni mom.
“Daddy is a tough man,” gamit ang mga daliri ay pinunasan ko ang mga luha niya ngunit sa kalooban ko ay gusto kong sumabog. “Try to calm yourself then let’s wait until the doctor come out. Stop crying ‘cause your tears won’t save our daddy’s life,” pagak napatawa ito na marahan pinalo ang balikat ko.
“Then what should I do? Do I need to smile? Hindi ko mapigilan umiyak hangga’t hindi pa lumalabas ang doctor. Natatakot ako na baka hindi makayanan ng daddy mo. Natatakot a-ako na baka iwan niya t-tayo,” pumiyok ang boses ni mom at sunod-sunod naglandas ang kan’yang luha.
“Mom!” sa pagtawag ni kuya ay napatingin si mommy pagkatapos ay iniwan ako nito.
Mabilis na umiyak siya kay kuya kaya napaupo ako sa bench na napahilamos ako ng aking mga palad. Gusto kong sumigaw para ilabas ang sakit na nakabalot sa aking puso.
Pinagtitimpihan ko lang ang sarili dahil ayokong ipakita kay mommy na natatakot ako. Kailangan ko magpakatatag at bigyan si mommy ng lakas ng loob na magiging ligtas ang operasyon.
Lihim kong sinulyapan sila kuya na nakayakap pa rin sa kan’ya si mommy na pinapatahan niya ito at ang puso ko parang pinipiga sa sakit na nakikita ko sa mga mata ng ina namin.
Ang sakit pala bilang anak na nakikita ko nasasaktan o nahihirapan ang magulang ko. Kung puwede ko lang akuin ang lahat ng sakit sa damdamin ay gagawin ko huwag lang mahirapan ang mga mahal ko.
Nanghihina ako subalit kailangan ko magpakatatag. Bumukas ang pintuan ng OR na napatayo ako nang akmang paglapit sana ay hindi ko nagawa.
“How’s my husband? D-Did the operation s-success?” garalgal ang boses ni mommy na nasa likod niya si kuya na nakaalalay.
Nagtanggal ng face mask ang doktor na inilibot ang tingin sa amin.
“Yes Mrs. Gonzales,” kusang naramdaman ng sarili ko ang paggaan ng paligid namin dahil sa balita na natanggap.
“Thanks God!” napahinga ng malalim si mommy.
“We gonna transfer your husband to the recovery room within fifteen minutes,” bilin ng doktor bago pumasok sa OR.
Lumapit ako kay mommy. “Let’s sit down, mom,” tumitig siya sabay ngiti.
“Your daddy is now safe,” ang matang nababalot kanina ng takot ay napalitan ng kasiyahan.
“Iwasan niyo na po ang umiyak,” saad ko na ikinatango niya na niyakap ako saglit bago kami umupo sa bench.
Pinagigitnaan namin si mommy na tag-isa kami ni kuya hawak ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless
AcciónMy Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless [Season Three] Started: February 19, 2023 Ended: January 22, 2024 ©2023 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous