CHAPTER 87

309 20 5
                                    

Chapter 87:

Itinipa ni Zero ang anim na numero sa digital pin lock. Ang dalawang magkahating pinto ng armory ay unti-unting bumubukas.

Tuluyan nagbukas ang pintuan dahilan upang lumakad ako papasok ng armory na hindi ko naiwasan ang mapangisi sa unang nakita.

Nasa pinakagitna ito na talagang maaakit akong pumasok kung ang katana ko ang unang sasalubong. Sa paglapit ko ay maingat ko itong hinimas na kumikinang ito dulot ng ilaw na nakatapat mula sa chandelier.

“I’m excited to use you in a bloody battle.” Kinuha ko ang katana sa kinapapatungan nito na parang isang mamahaling ginto na maingit sinuri.

Nakikita ko ang sarili sa blade ng katana na puwede gawing itong salamin. Ilang taon hindi ko nagamit kaya maaliwalas at payapa kapag minamasdan oras na siguro ibalik ito sa kinalalagyan doon sa opisina ko rito sa basement.

Ibinalik ko sa estante ang katana ng natapos kong hawakan at himas– himasin ito.

“Ilang klaseng baril ang mayroon tayo?”

“Aroud fifty, empress,” sagot ni Van.

“Ilan ang stocks sa bawat klase ng mga baril?” tanong ko ulit.

“One hundred, empress.” Napatango ako sa ani ni Zero.

Ibig sabihin ay limang libo ang stocks namin sa singkwenta baril na bawat klase ay isang daan ang bilang. Hindi na masama sa bilang ng CBG na walumpu’t siyam ang miyembro namin.

“Nasa maayos na container ang ibang baril samantala ang mga granada at mga bala ay nasa ammunition boxes.” Itinuro ni Van ang mga kahon na nasa ibaba ng mga estante.

“Kayong dalawa ang pinagkakatiwalaan ko kapag tungkol sa mga armas kaya kung mayroon man kayo update sa mga bagong labas na baril ay mainam sabihin niyo agad kay kuya upang maka-import tayo,” utos ko sa dalawa.

“As always, empress,” magkasabay nilang saad.

“By the way, where’s my new guns?”

“Narito sa long table, empress,” naunang humakbang si Zero na sinundan ko sa kaliwang bahagi ng armory kung saan naka-puwesto ang long table.

Hindi nag-atubili ay pinabuksan ko kay Van ang isang briefcase. Isang handgun ang tumambad.

“The Beretta 92 is a series of semi-automatic pistols design and manufactured by Berrete of Italy,” pagpapaliwanag niya.

“It was designed in 1975 and production began in 1976. Matagal na ito subalit ngayon pa lang ako magkakaroon nito,” may konting detalye akong nakukuha sa articles tungkol sa mga baril.

Maraming armas na magaganda ang kalidad na gusto ko magkaroon kami ng mga koleksyon ngunit sa panahon ngayon ay lie low lang muna lalo na’t nahihilig ako sa mga alahas na tumataas ang value.

“Show me the one,” utos ko kay Zero na binuksan ang isa pang briefcase.

“DSR- Precision DSR 50 Sniper Rifle stands at the top of the list as the deadliest gun.”

“Manifactures in Germany?” tanong ko sa kan’ya.

“Yes, empress.”

“Hindi na ako dadaan sa opisina kaya dalhin mo doon ang handgun. Sa susunod na pagbisita ko ay gusto kong makita ito sa desk.” Binalingan ko si Van. 

“Masusunod ‘ho.”

Sa paglisan namin sa armory ay dala nga ni Van ang suitcase na pinaglalagyan ng handgun. Bago ito pumunta sa opisina ko ay inihatid nila ako sa labas ng basement na hinintay paandarin ko ang bigbike.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon