CHAPTER 96

342 13 10
                                    

Chapter 96:

Pinipilit kong huwag mapalakas ang igik na lumalabas sa bibig ng dalawang beses akong sinuntok sa sikmura. May mga konting mura ako nasasabi dahil sa letseng mga kadena na nakagapos sa aking mga pulso.

Nakakahilong yumuko na tanging sahig lang ang nakikita ko dahil sa t’wing inaangat ko ang aking ulo ay sumasakit sa bandang likod ko patungo sa leeg. Nararamdaman ko pa din ang paghampas kanina sa akin ng dos por dos.

Papikit na sana ako para ibsan ang kapaguran ng aking katawan ngunit hindi ko nagawa ng sapilitan akong sinabunutan patingala ng bruhang kaharap ko.

“Tangina ka Scarlet,” sa pagbitaw ko ng katagang iyon ay mahina siyang napatawa ng nakakaasar.

“Trying to cover your weakness, huh?” malaki ang ngisi niya sa labi. “Tapang-tapangan pa rin kahit alam mo naman nanginginig na sa kaloob-looban.” Napangisi ako sa sinabi nito.

“Bakit hindi mo subukan pakawalan ako para malaman natin kung sino ang nagpapanggap?” hamon ko na ikinataray nito.

“Baliw lang ang gagawa n’yon. Sino ang mangmang na magpapalaya sa ‘yo? Baka sunggaban mo agad ako kung pakawalan kita, baliw ka talaga!” mas sumakit ang pagsabunot niya na halatang may pangigigil. “Lahat kinuha mo sa akin! Si Autumn at ngayon ay si Aubrey kaya tandaan mo na lahat kukunin ko din sa ‘yo. Ang iniingatan mong trono at iisa-isahin ko ang pamilya mo Maxine,” nanlilisik ang mga mata ni Scarlet na may mga diin sa bawat katagang inusal niya.

Kinuha din nila si Dale sa akin. Dahil sa kanila ay nagdurusa ang puso ko. Kung titigilan niya akong mamuhay ng payapa sa trono ko ay hindi din ako magnanais na pabagsakin ito sa lipunan namin. Patas lang kami ng kagustuhan na patayin ang isa’t isa ngunit hindi siya makakalapit sa pamilya ko lalo na kay Maxirous.

“Kailan ka titigil Scarlet? Walang character development ‘yang sarili mo! Kapag makalaya ako dito ikaw ang isusunod ko sa anak mo! Ako mismo ang papatay sa ‘yo tulad ng ginawa ko kay Autumn,” sapilitan kong ginalaw ang aking ulo upang bitiwan niya ako subalit mas humigpit ang pagkakahawak niya.

Pakiramdam ko matatanggal na ang anit ko sa ulo at gusto ko talaga siya tadyakan kung wala din kadena sa paa ko.

“Don’t assume yourself that you are a protagonist in this story!” galit ang boses ni Scarlet.

“Everyone of us can be a protagonist in our own story pero may posibilidad na antagonist ka sa ibang istorya kaya sigurado ako na ikaw ang kalaban sa sarili kong kuwento,” ngumisi siya na unti-unting humalakhak ng bitawan niya ang buhok ko.

Sa apat na sulok ng kuwarto na pinaglagyan niya sa amin ay boses niya lang ang nadidinig ko na parang demonyo ito. Huminto siya sa pagtawa na walang emosyon akong tinignan na ang sumunod na pangyayari ay nabilisan ako ng dumapo sa kaliwang pisngi ko ang palad niya.

Napakagat ako ng labi ng sampalin pa ako nito sa kanan pisngi ko. Mainit ang aking balat ng apat na beses niya akong sinampal na aaminin kong nahihilo na ako kaya yumuko ako tsaka pumikit nang mata.

“Ikulong niyo ang mga iyan at bantayan maigi!” galit ang boses niyang nag-uutos sa kasama naming ilang Black Phoenixxxx dito sa silid.

Naramdaman kong lumayo ang presensya ni Scarlet kalaunan ay nakadinig ako ng pagbukas ng pinto sa hula ko’y lumabas ito.

Sa pagkabigla ay napamulat ako ng mata nang may sumigaw bigla. Hinanap ko kung saan nagmula ang ingay na iyon na kusang nanlaki ang mata ko pagkalingon sa kaliwang bahagi ng silid. Napako ang atensyon ko sa lalaking mataba ang katawan na itinaas niya ang kanang kamay hawak ang isang latigo na mabilis inilatigo sa likod ng kasama ko.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon