CHAPTER 101

416 16 17
                                    

Chapter 101:

Nilaro-laro ko ang aking kamay na nakaibabaw sa aking mga hita habang nakaupo ako dito sa bench. Dalawang oras na akong kinakabahan ‘pagka’t hindi pa din lumalabas ang doktor sa loob ng surgery room.

Napa-angat ako ng ulo sa pagbukas ng pintong katapat ko na lumabas doon ang doktora na tinanggal ang surgery mask kaya napatayo ako.

“Puwede na po kayong pumasok sa loob Mrs. Montefalcon,” aniya ni Dra. Nablo na nakangiti.

“Thank you.” Nilampasan ko siya upang pumasok na sa loob.

Una kong napansin ang dalawang nurse nag-aayos ng mga ginamit nila sa surgery na yumuko ito sa akin ng tuluyan na silang lumabas.

Napako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa kama na hawak-hawak ang salamin upang matitigan ang buong mukha niya. Nang alam niyang nandito na ako sa loob ay ibinaba niya ang hawak para ngitian ako.

“How do I look baby?”

“Gorgeous,” may ngiti ako sa labi nang lapitan siya at binigyan ng mabilis na halik sa labi.

Umupo ako sa tabi niya paharap at inabot ang kan’yang pisngi na may benda. Alalay ang paghawak ko para hindi siya gaano masaktan.

“What do you feel?” I gently ask him.

“Feeling better. At least my insecurities will be gone soon,” ibinaba ko ang aking kamay para mahawakan ang mga palad niya na pinisil-pisil iyon. 

My husband decided to have this kind of surgery on his scar. Bilang asawa ay hindi ko siya pipigilan lalo na’t alam ko na trauma ang dinulot ng peklat na iyon sa mukha niya.

Gusto ko din maibalik ang dati niya balat sa mukha. Miss ko na ang totoo niyang hitsura na nakakahumaling.

Tapos na ang surgery ni Dale kaya napagdesisyunan na namin umuwi pero humiling ako dito na dadaan kami sa drive thru ng Jollibee. Ako mismo ang nagmaneho ng kotse na hinayaan ang asawa ko kumain ng french fries sa passenger seat.

Minsan ay sinusubuan niya ako kaya hindi na din lugi ako sa pagmamaneho. Tinatapik-tapik at pinipisil-pisil niya pa ang hita ko na minsan ay nakikiliti ako kaya nililingon ko siya para bigyan ng masamang tingin subalit ngumingisi siya.

Natatawa kami ni Dale papasok ng bahay na nakaakbay siya sa akin samantala nakapulot ang kanang braso ko sa baywang niya. Unang pag-apak sa front door ay may nadinig kaming ingay kaya nagsalubong ang kilay ko dahil sa susunod na araw pa naman uuwi sila daddy.

Napako ang tingin namin sa living room dahil sa hagikhik ni Fym na bumabalot sa loob ng bahay. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa nakita na kinikiliti ni Patrick ang bata na nasa isang tabi si Assej na malawak ang ngiti sa dalawa.

Pero hindi lang iyon ang kinagulat ko dahil hindi lang sila ang nasa living room. Nakaupo si Clyde sa isang cruddler chair malapit sa piano at may hawak siya na isang bowl na may lamang popcorn.

Kinalabit ni Criza si Assej na kinausap ito at nakisalamuha din si Riegh sa dalawa. Si Xander at Devon ay nag-uusap na malapit sila kay Clyde.

Tumikhim ang katabi ko na ikinaagaw ng kanilang mga atensyon pero parang hangin lang kami sa kanila dahil bumalik sila sa kanilang ginagawa kanina.

“Papa Simon!” masayang sigaw ni Fym na tumakbong papalapit kay Dale.

Inalis ni Dale ang kamay nakaakbay sa akin nang nagmano sa kan’ya ang bata na hinila siya papunta sa couch kaya sumunod ako sa kanila.

“Ano’ng ginawa niyo dito?” tanong ko sa kanilang lahat.

“Oh kuya! Nagpa-laser ka ng peklat?” Tumayo si Criza para lapitan ang asawa ko na pinaupo ito sa tabi ni Patrick.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon