Chapter 107:
Bawat parte ng handgun ay nalinis ko na at dahil naka- disassemble ito ay sinisimulan ko muli ang mag- assemble.
Mag-isa ako dito sa library room ng bahay na nandito sa second floor. Ang tahimik ng kuwarto kaya sumandal ako sa swivel chair na kinauupuan. Pagkatapos maiayos ang Beretta 21A Bobcat ay maingat kong inilagay ito sa suitcase na nakaibabaw sa mesa.
Nang naisigurado kong nailock ang suitcase ay tumayo ako at walang ingay naglakad kahit bakas ng aking paglabas ng kuwarto ay wala at inilock ko din mabuti ang seradura baka may pumasok at makita nila ang baril.
Bumaba ako dahil sa kumakalam ang aking sikmura nakalimutan ko mananghalian kaninang alas-dose at sa pagkakaalam ko alas-kwatro na ngayon.
Nagtaka ako sa naabutan dito sa first floor dahil nakabihis si Assej, Fym, Aling Ising at si Ruru.
“Saan kayo pupunta?” pagtataka ko.
Tumingin si Assej sa kinatatayuan ko dito sa huling palapag ng hagdan.
“Pupunta kami ng mall at gusto sumama ng mga bata,” kalmado niyang sagot.
Ramdam kong may yumakap sa aking tuhod kaya niyuko ko ang aking ulo. Nakangiti ako na ginulo ang buhok ni Ruru na namumungay ang kan’yang mata nakatingala sa akin.
“Can I come with them, mommy?” malambing niyang pagtatanong.
“Paano kung ayaw ko?” mahinahong kong pabalik na tanong.
Napanguso si Ruru kalauna’y napasimangot ang mukha na ikinatawa ko ng mahina. Ginulo ko ulit ang kan’yang buhok.
“Just kidding baby,” umaliwalas ang mukha niya. “But behave ka kay Tita Assej mo, huh?” paalala ko dito.
“Yehey,” bumitaw ito sa pagkakahawak sa hita para pumalakpak. “Yes mommy, behave po ako,” napapatalon pa ito sa tuwa na nakakahumaling tignan.
“Assej,” tawag ko dito na nakaupo sa long couch na inaayos ang buhok ni Fym.
“Hmm?” tumingin siya sa akin.
“Sino magmamaneho para sa inyo?” hawak-kamay kami ni Ruru lumapit sa kanila.
“Sabi ni Patrick si Kuya Boy daw ang maghahatid sa amin sa mall at susunod na lang daw siya,” natigilan ako sa sinabi ni Assej.
Kung wala si Patrick sino ang magpro- protekta sa kanila sa labas? Hindi naman ako makakasama sa kanila dahil may aasikasuhin ako samantala si Dale ay wala dito sa bahay dahil nasa parents-in-law ko siya ngayon.
Ayokong pumayag na sila-sila lang ang aalis ng bahay. Kailangan din nila ng bantay habang nakikisalamuha sa mga tao sa labas. Hindi namin alam kung sino-sino ang makakatagpo nila.
Iniwan ko muna si Ruru sa kan’ya at sumaglit sa kuwarto upang tumawag sa basement. Inutos ko kay Niehren at Zero na sundan sila Assej ngayon para mapanatag ang loob ko kahit papa’no. Mapapanatag talaga ako basta may nakabantay sa kanila kahit kalayuan man. Mabuti na lang ay nandoon din si Jarren sa basement na nagpresenta ito na sasama kila Zero.
Tinawag ako ni Assej ‘pagka’t aalis na sila kaya bumababa ako para kahit sa labas man lang ay maihatid ko ng tingin si Ruru. Kapag wala na akong gagawin mamaya ay balak ko sumunod para naman sa labas na lang kami mag-dinner.
Bumalik ulit ako sa kuwarto upang maligo. Wala akong saplot na nakatapat ang aking katawan sa shower na hinayaan ko bumuhos ang malamig na tubig sa aking balat.
Nakakapagbigay ginhawa ang malamig na tubig na parang gusto ko ibabad ang sarili sa ilalim ng shower ngunit hindi ko naman magagawa dahil buo ang desisyon ko na susunod ako kila Ruru at balak kong i-text si Dale.
BINABASA MO ANG
My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless
ActionMy Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless [Season Three] Started: February 19, 2023 Ended: January 22, 2024 ©2023 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous