CHAPTER 98

383 19 6
                                    

Chapter 98:

Grabe ang taas-baba ng balikat ni Mommy Alena dahil sa iyak na mahigpit nakayakap kay Dale. Namamasa ang gilid ng mga mata ni Daddy Andrius na lumapit sa mag-ina niya.

“W-Within six years, my life h-had been in v-vain. Pinipilit k-kong ngumiti a-araw-araw kahit sa kaloob-looban wasak na a-ako,” napaiyak ako sa sinabi ng mother- in- law ko sa anak niya.

Mas masakit sa ina ang mawalan ng anak. Kahit ano’ng paggamot sa sugat nang damdamin ay hindi ito maghihilom.

“Pinipilit k-kong mabuhay p-para sa apo ko na iniwan mo kay M-Maxine. Kailangan ko m-magpakatatag kahit hindi ko na alam ang dapat kong g-gawin.” Napakagat ako ng labi sa dagdag ni mommy.

Kinabig ako ng ina ko pasandal sa kan’yang dibdib na nagtaas-baba ang kamay niya sa aking likod para kumalma ako.

“I’m back mommy... stop crying please,” nakasulyap ako kay Dale na hinihimas ang likod ng mommy niya.

Nakaupo si Mommy Alena sa hospital bed na kinalalagyan ko at si Dale ay nakatayo na nakayakap sa mommy niya samantala si Daddy Andrius ay nakayakap din sa mag-ina niya. Isang abot ko lang ang puwesto nila kaya malaya ko sila namamasdan.

“We can start a new life from now on honey,” sumabad na si Daddy Andrius na hinalikan sa ibabaw ng ulo ang asawa niya na humiwalay kay Dale na marahan nagpunas ng luha.

“A new life?” tumingala si Mommy Alena sa asawa niya. “Yeah we can start... lalo na’t may kasama na natin si Dale na ngayon ay may anak na naghihintay sa kan’ya palagi,” nilingon ako ni mommy na may ngiti sa labi. “Thank you anak for bringing back your husband,” may kung humaplos sa puso ko sa tinuran ni Mommy Alena.

Sinundan ko ang kilos ni Dale na umupo sa gitna namin ng mommy niya na inabot ang magkabilaan naming kamay para hawakan. Nagpalit-palit ang tingin niya sa amin tsaka ngumiti ng malawak.

“Thank you the sacrifices you allotted. Hindi kayo tumigil na hanapin ako kahit napaka- imposible na,” sa sinabi ng asawa ko ay hinawakan ko ang pisngi niya na masuyong hinimas.

“I promised myself that I wouldn’t stop searching for you until I found a piece of evidence confirming you leave us in this world. Ang masasabi ko lang ay salamat din na hindi mo kami iniwan kahit alam namin na matindi ang pinagdaanan mo nang mangyari ang gabi na iyon,” pagtutukoy ko sa trahedya na nangyari sa basement nila Scarlet.

Trumatiko ang pangyayari na iyon sa amin at malaki ang naging epekto ang dinulot na iyon na gusto ko na kalimutan lalo na’t nasa tabi ko na ang asawa ko.

“Nang tumawag sa akin si Maxine tungkol na nahanap na niya si Allen ay nabuhayan ako ng loob,” napako ang tingin ko kay Mommy Alena na malawak ang ngiti sa akin. “Salamat na hindi ka tumigil anak,” tumango at ginantihan ko ang ngiti niya.

“Thanks to Assej also. Kung hindi siya nag-kuwento tungkol sa paano niya nakita si Dale ay hindi ko maipagkokonekta ang mga pangyayari. By the way, where is she?” Napatingin ako sa kabuuan ng kuwarto.

“Lumabas siya kasama si Patrick,” aniya ni Criza na halata pa rin namamasa ang kan’yang luha. “Can I hug you kuya?” pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminga siya ng malalim.

Minasdan ko ang ekspresyon ni Dale na ngumiti ito ng malawak at binitiwan ang mga kamay namin ni Mommy Alena.

“Of course my spoiled brat cousin,” natatawa niyang sang-ayon na halos ikadabog ni Criza bago lumapit sa kan’ya.

Hindi ko napansin na lumapit si Xander na walang sabi sumali sa yakap. Kahit nakatingin lang ako sa tabi ay masasabi ko na mahigpit ang yakapan nila.

“Can I join too?” komento ni Clyde na hindi hinintay ang tugon ni Dale na lumapit siya sa tatlo. “We are now complete. The Knight Black Government are complete,” dinig kong bulong ni Devon sa mga kaibigan niya.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon