Chapter 88:
The days passed with smooth scenario. I’m currently here at my mom’s basement even I don’t want to go here I haven’t a choice.
Nais niya dumalaw ako sa Mistress Gang para makilala ko ang mga ilan at bagong miyembro nila na hindi ko pa nakakaharap sa personal.
Ipinasyal ako ni Engrid sa kabuuan ng basement dahil wala rito si mommy.
“Balita ko mula kay Jarren ay nililigawan ka niya,” inalok ako ni Engrid umupo sa bench na nakaharap sa fountain.
Sinuri ko ang reaksyon niya na hindi ito naging komportable sa pag-upo sa tabi ko. Halata sa ngiti nitong napipilitan na parang ewan.
“Wala kang gusto kay Jarren?” prangka kong salita na mabilis niyang ikinalingon.
“I have!” walang pag-aalinlangan nitong segunda.
Napangisi ako. “Bakit mukhang hindi ka komportable kanina?”
“Nagulat ako na alam mo. Kami lang naman ni Jarren ang nakakaalam. Marites kana ba, Maxine?” nairita ako nang ngumisi siya.
“Marites? For your information si Jarren ang nagsabi. Hindi ko tinanong kung may koneksyon ba kayo or something,” taas-kilay kong saad na ikinatawa niya.
“Relax Empress Maxine,” nag-hands up ito. “Maaga pa para ma-high blood ka.”
“You are giving me a reason to make my temper high,” pagtataray ko rito.
“I’m sorry madame,” birong saad niya.
Naaliw ako sa buhos ng tubig mula sa fountain parang musika ang bawat buhos. Sa tumatagal na pagmamasid dito ay may napagtanto akong isang bagay. Ang agos ng tubig ay parang agos ng buhay, kailangan mo magpatuloy kahit maraming tabak ang maranasan mo.
Ang magpatuloy sa buhay ay siyang panalo.
“Maiba ako,” I looked at her.
“Hmm?”
“Sinabi ni Jarren na gusto ni Aeron ipasok si Rhea sa organization ninyo,” nanlaki ang mata ni Engrid na lumingon-lingon sa paligid to check if there is someone listening us.
“Pati ba naman ‘yon ay sinabi sa ‘yo?” I nodded that makes her to breathe deeply. “I thought magpagkakatiwalaan si Jarren ng mga sekreto,” mahinang bulong nito na dinig ko naman.
I smirked at my thoughts. “His loyalty belong to me. Walang sekretong matatago ang CBG sa akin dahil sila mismo ang nagkukusa magbitaw ng mga salita.” Umirap sa kawalan si Engrid na minasdan ang fountain.
“Hindi alam ni Mistress ang balak ni Aeron. Sa pagiging abala ng ina ni’yo sa trabaho ay hindi ko masingit ang topic na iyon ngunit baka sa susunod na mga araw ay sabihin ko na,”
“I’m sure she won’t allow na maging member niyo si Rhea,” kampante kong saad.
“We don’t know,” she caught my attention.
“What do you mean?”
She looked at me directly. “Your mother have a warm- hearted unlike you,” awtomatik tumaas ang kaliwang kilay ko. “Hindi mapili si Mistress sa mga tao lalo na’t kung alam niya na mabuti ang hangarin nila kung bakit gusto nila sumapi sa organization namin. Bilang isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mommy mo ay masasabi ko na maaaring makapasok si Rhea sa amin. Nakita ko sa kan’ya ang pagbabago.”
“Isang sabi ko lang kay mommy na huwag tanggapin si Rhea alam ko na susunod siya,” kampante kong komento.
“Gagamitin mo ang posisyon mo upang hindi lang makapasok si Rhea?” nanliit ang mga mata niya pati ang boses ay humina ang tono.

BINABASA MO ANG
My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless
AcciónMy Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless [Season Three] Started: February 19, 2023 Ended: January 22, 2024 ©2023 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous