CHAPTER 89

320 16 13
                                    

NOT EDITED PO.

Chapter 89:

Sa bawat talbog ng punching bag ay mas nanggigil akong sumuntok. Malaya kong nailalabas lahat ng mga pasan at hinanakit ko sa buhay kaya salamat sa punching bag.

Sunod- sunod akong nagpakawala ng suntok nang hindi ako nakuntento ay inangat ko ang paa na walang ingay binigyan nang malakas na side kick ang punching bag.

“Too much strength can cause your opponents injuries,” sa tulong ng peripheral vision ay malaya kong nakita si kuya na pumasok dito sa gym na parte pa rin ng bahay.

“Much better.” Tinanggal ko ang bag glooves na inihagis ‘yon sa kapatid ko na sinalo naman niya.

Inabot ko ang Aqua Flask na nakapatong sa bench bago ako umupo. Pagkatapos uminom ng tubig ay naukol ang tingin ko sa labas.

Ang kabuuan ng gym ay napapalibutan ng salamin kaya malaya kong napagmamasdan ang labas. Ngunit kung sa labas titignan ay pawang salamin lang ang makikita dahil tinted ang ginamit namin for privacy.

“I have a news.” Bumaling ako kay kuya na may hawak itong dumbbell sa kanang kamay.

“Bad or good?” maikling tanong ko na uminom ulit.

“Good.” Tinaasan ko si kuya ng kilay. “Nakahuli sila daddy ng Black Phoenixxxx.” Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig.

“Seryuso ka?” manghang tanong ko.

“Yes. Nadakip nila ang nasa likod ng pagkaaksidente nila daddy. Limang Black Phoenixxx ang hawak nila.”

“Paano nila nagawa ‘yon? Nahanap ba nila ang lokasyon ng Black Phoenixxx? What about Keil and Scarlet?”

“Black Phoenixxxx have a lots of basement it is hard to us to locate their leader which is Scarlet,” nakuha ko ang punto ni kuya.

“We can use their ally. Pakantahin nila daddy ang mga bihag para magsalita ang mga iyon kung nasaan si Scarlet,” suhestyon ko.

Ibinaba ni kuya ang dumbbell. “They already did that. Pinilit nila dad ang mga bihag na sabihin kung nasaan si Scarlet subalit pare-pareho lang ang sagot nila na wala silang alam kung nasaan ang kanilang leader. I am sure na mga baguhan pa lang ang mga iyon.” Inabot ko ang face towel para isaklay sa balikat pagkatapos ay tumayo.

Nakita kong napaayos ng tayo si kuya pero tinalikuran ko ito.

“Where are you going?”

“Pupunta ako kay daddy,” nagpatuloy ako sa paglalakad.

“Maybe you should visit Riegh before you go to meet our dad?” kunot-noo akong napalingon kay kuya na nakatindig itong tinaasan ako ng kilay.

“May nangyari bang masama?” nag-aalalang tanong ko na lumapit pa ako rito.

Tinignan ako ni kuya ng seryuso kaya mas nag-alala ako sa kalagayan ni Riegh dahil halos isang linggo na kaming hindi nagkakausap nito.

“Wala ka talagang alam? Hindi ka tinawagan ni Jarren?” seryusong saad ni kuya na nagsisimula na akong mainis ‘pagka’t hindi niya na lang diretsuhin sabihin.

“Spit out kuya!” ang galit na nagsisimulang kumawala ay napatigil ng pinitik niya ang aking noo.

“Control your temper bunso. Nanganak na si Riegh,” nanlaki ang mata ko sa nadinig.

“Really?” manghang tanong ko.

“Yes, nasa hospital pa sila. Jarren said na mamayang hapon pa makakalabas ang ate niya so it’s better na sa bahay mo na lang ito bisitahin mamaya.” Tumango- tango ako.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon