CHAPTER 110

271 12 0
                                    

Chapter 110:

“Kuya,” when someone calls me I turn in her direction.

“Hmm?” my simple response to her.

“Payag ka ba na magtrabaho tayo? Tanggapin ang alok ni Aling Ising?” hindi ito mapakali sa kinauupuan niya na kahoy.

“Hindi naman tayo mag-asawa, napagkamalan lang,” tukoy ko sa sinasabi niyang Aling Ising.

Sa pagpasok ko kanina sa gitna ng pag-uusap nila ay napagkamalan kaming mag-asawa ni Assej. Hindi na lang ako nag-komento sa sinabi ng matanda dahil mukha nagmamadali ito.

Pansin ko ang pagyuko ni Assej sa kinauupuan niya at sa ilang taon ng pagsasama namin ay kilala ko na ito. Alam ko na may bumabagabag sa kan’ya.

“Nahihirapan na akong buhayin si Fym mag-isa. Ang kita ko sa paglalaba ay hindi sapat para sa amin dalawa. Kailangan ko ng ibang pagkakakitaan,” kahit wala akong anak ay naiintindihan ko si Assej na matindi ang pangangailangan niyang pera para buhayin si Fym.

Kung sapat lang din sana ang kita ko sa pangingisda ay tuloy-tuloy ko sila masusuportahan kaso hindi.

Mukhang wala ako nitong mapagpipilian kundi ang pumayag sa gusto niya na magpanggap kami para makapasok sa trabaho.

Pumayag kami tanggapin ang alok upang kahit papaano ay makakaipon kami ni Assej. Habang nakatayo sa harap ng bahay na pagtra-trabahuan ay nakaramdam ako ng kaba na hindi mawari’y ang dahilan lalo na’t nakaharap na namin ang aming magiging amo na sa unang tingin ko dito ay masungit subalit hindi ko inaasahan na kaibigan ito ni Assej.

Sa ilang araw pa lang na pagtra-trabaho sa mansion ay bumibigat ang pakiramdam ko sa bawat pagtitig sa kabuuan ng bahay. Idagdag pa sa tuwing malapit si Ma’am Maxine ay naiilang ako.

“Hindi naman matutunaw ang bahay kahit tagalan mo pang titigan ito,” sa gulat ko ay napalingon ako sa gawi nang nagsalita.

“M-Ma’am? Good morning po,” dali-dali akong yumuko.

“Kanina pa akong natingin sa ‘yo pero hindi mo ako napansin kaya curious ako kung ano ang iniisip mo kanina,” sa pagkakatitig ko kay ma’am ay napakamot ako ng batok sanhi ng nahihiya ako.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang nagtanong siya tungkol sa pagiging asawa namin ni Assej. Nakakakaba na baka mabuking kami.

Pinipilit ko maging abala ang isip ko sa iba subalit napansin ako ang pagkakatitig niya sa hawak kong Tulips. May nag-udyok sa isip ko na ibigay sa kan’ya ang hawak.

Lumawak ang silay ng ngiti niya. Trumiple ang tibok ng puso ko subalit ng umalis siya ay namalayan ko na lang ang sarili na nakangiti din.

Pagkalagay sa huling grocery bag sa compartment na pinamili namin ay naglakad na siya patungo sa shotgun seat na sinundan ko ang galaw niya. Mula sa kalayuan ay napansin ko ang motorsiklong papalapit na kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil halata sa gawi ito ni ma’am papunta kaya malalaki ang hakbang ko na hinala siya palapit sa akin.

Saktong paglampas ng motorsiklo ay bumisina ito na ikinaigting ng aking panga dahil nakita ko mismo kung paano ngumisi ang nakasakay.

Akala ko hindi na masusundan ang gano’n pangyayari na may magtatangka na sagasaan siya ngunit nang paglabas niya sa elevator noong nasa parking lot kami ng StarHigh Hotel ay napapikit ako dahil sa sobrang liwanag galing sa sasakyan basta ang natandaan ko na lang ay may humila sa akin kaya pareho kami natumba sa semento at may kalampag akong nadinig.

Napagtanto ko na hindi ordinaryo ang aking amo dahil alam niya kung paano humawak ng baril at tinanong niya ako kung marunong ako makipaglaban. Sa gabing iyon ay kinakain ako ng kuryusidad sa pagkatao niya. Nais ko siya kilalanin ng mas malalim.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon