Chapter 104:
He tilted his head and smirked that makes my temper out. I immediately clenched my hand to punch him but unfortunately he is fast to catch my fist and suddenly pull my waist then give me a smack kiss.
Nairita ako sa pagbitaw niya sa akin na may malawak na ngisi sa labi na animo’y nanalo sa lotto. Naiinis na talaga ako kay Dale dahil sa bawat atake ko ay sinasanggala niya at sapilitan inilalapit ako sa kan’ya upang makahalik sa labi ko.
Kung totoong kalaban ko lang ito ay baka sinuntok ko ang labi niya ng malakas upang pumutok at hindi ako magdadalawang-isip magmura.
Pasalamat ka asawa kita Dale Montefalcon.
Napaayos ako ng tayo para titigan siya ng seryuso. “Magseryuso ka naman!” dahil sa pagkapikon ay napapadyak ako.
“Seryuso naman ako ah,” ngumuso siya pero ngumisi ulit na ikinainit ng ulo ko.
Seryuso hah? Humanda ka sa ‘kin!
Mabilis kong sinugod si Dale na sa pagkakataon ngayon ay hindi niya nasanggala ang tadyak ko sa sikmura niya kaya napadaing siya na ikinangisi ko naman.
“Damn baby! You are still gorgeous even you kick me hard,” sapo-sapo nito ang sikmura na umiling-iling tsaka tumawa nang mahina.
Nababaliw na talaga ang asawa ko pero dahil pinuri niya ako ay ngumiti ako nang matamis. Nang gumalaw siya sa puwesto niya ay naalerto ako. Nailagan ko ang tangka niyang pagsuntok subalit matulin siyang umangat sa ere na walang salitang nakaganti ito ng sipa sa akin sikmura.
Damn you Dale! Napaluhod ako sa sakit.
“Susuko o lalaban pa rin mahal ko?” galit ko siyang tinignan ngunit hindi man lang iyon nakaapekto sa kan’ya.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod kaya sa pagkakataon ito ay hindi na ako nag-alinlangan umatake. Nagpapalitan kami ng suntok na parehong nakakailag naman. Sa bawat abante ko ay umaatras si Dale na masasabi ko na ako ang nakakalamang sa amin.
Ang suntok na pinakawalan ko ay nasalo ni Dale sabay pilipit sa aking braso kaya nakatalikod ako sa kan’ya. Nagulat ako na napahiga kami dahil sinadya niya itumba ang aming mga sarili na ikinulong ako sa mga bisig niya.
“Time freeze muna asawa ko,” dahil nakasubsob ako sa dibdib niya ay dinig ko ang mabilis na tibok ng kan’yang puso.
Pasalamat siya may foam ang sahig habang nagsasanay kami dito gym.
“Nakakapagod naman ang ehersisyong ginagawa natin,” hindi matatago ang hingal niya sa kan’yang pagtawa. “Kung ibang ehersisyo pa ang ginawa natin kahit nakakapagod din ay hindi ako magdadalawang-isip na ‘yon ang gawin natin kaysa itong training,” nakuha ko ang ibig niyang sabihin kaya tinampal ko ang matigas niyang dibdib.
Niyakap ako nito ng mahigpit kaya kinurot ko siya sa tagiliran na ikinadaing niya.
“Hindi ako makahinga baby,” sa maktol ko ay medyo niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin.
Umunan ako sa braso niya at tumingala dito. Ang mga mata nito ay nakapikit na halata sa mukha niya ang pagod dahil sa paglalaban namin. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib ni Dale at ang paghinga niya ay lumalalim pahiwatig na nakatulog na siya kaya pumikit din ako para umidlip.
Naalimpungatan ako dahil ‘ramdam ko ang pag-angat ni Dale sa ulo ko na nakaunan sa braso niya. Hindi ko pinansin ang kan’yang pagtayo sa tabi ko nang lapitan niya ang tumutunog na cellphone na nakapatong sa dala namin sports bag na nakapuwesto sa stool.
“Hello?” sagot niya sa tawag. “What?” ang boses nito ay tumaas na ikinainat ko bago umupo na nakatingin ako sa malapad niyang likod.
“Is there something wrong baby?” I attempt to get his attention but he didn’t answer my question.
BINABASA MO ANG
My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless
ActionMy Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless [Season Three] Started: February 19, 2023 Ended: January 22, 2024 ©2023 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous