CHAPTER 94

285 15 9
                                    

Chapter 94:

Ang tinik nakabaon kanina sa aking dibdib ay nawala dahil nadaplisan lang si Simon kaya hindi masyadong malalim ang sugat niya.

Nasa kaliwang bahagi niya ako at malapit ko nang matapos ang paglalagay ng benda sa kan’yang braso.

“Bukas magpapadala ng arm sling si kuya para suportahan ang braso mo,” pagtingala ko ay napaawang ang aking labi dahil halos ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin.

Nakayuko pala ito sa akin at nababasa ko sa mata niya na parang sinusuri ang buong mukha ko. Naasiwa tuloy ako na baka may dumi siyang minamasdan.

“Ma’am ang lapit po nang mukha niyo,” ang mainit niyang hininga ay malayang tumama sa akin kaya kumibot ang gilid ng labi ko.

Wow ha? Bakit hindi na lang siya ang mag- adjust na lumayo sa akin. Pero infairness mabango ang hininga niya.

Sa pag-alis ko sa kama ay ‘ramdam ko ang pagsubaybay niya sa bawat kilos ko. Inabot ko ang first aid kit na nasa gilid ni Simon.

“Magpahinga kana,” muli nagtagpo ang aming tingin.

“Puwede ‘ho ako matulog sa sala ma’am at dito kayo sa kuwarto,” may katamaran akong umiling.

“It’s better you to stay here and I don’t want any complaint from you so please just obey me, Simon,” una siyang nag-iwas ng tingin ngunit ako ay nanatili.

“Sige ‘ho.” Kumilos siya sa kinauupuan kalaunan ay maingat na humiga sa kama.

“Tawagin mo ako kung may kailangan ka,” habilin ko na marahan niya ikinatango.

Tinalikuran ko si Simon para makalabas ako ng silid niya. Pagkarating sa sala ay pabagsak akong humiga sa mahabang couch na inilagay sa ibabaw ng tiyan ko ang throw pillow.

Wala akong maisip habang nakatitig sa kisame, blangko ang utak na parang lumulutang ako sa hangin. Wala pa rin akong balita hanggang ngayon tungkol sa ginawa naming ambush.

Pagkahila ko kanina kay Simon ng tinamaan siya ay may nagpaputok pa sa gawi namin na kinakailangan ko ang tulong ng CBG upang protektahan kami at ligtas maka-alis sa building.

Nag-text lang ako kay kuya tungkol sa nangyari at magdadala nga siya ng arm sling para kay Simon.

Dinadalaw na ako ng antok kaya unti-unti ako napapikit ng mata hanggang sa hinila ako sa kailaliman ng pagtulog.

May mga footsteps akong naririnig kaya nagising ang aking diwa na iginalaw ko lang ang aking eyeballs na hindi pa rin nagmumulat.

Nararamdaman ko papalapit siya sa aking gawi dahilan para maging alerto ako. Napapintig ang tibog ng puso ‘pagka’t alam ko na may papalapit sa aking mukha kaya napamulat ako ng mata na mabilis hinawakan ang pulso at pinilipit agad kasabay ng pagtayo.

Napatalikod ang lalaki na napa-igik ito sa sakit na ginawa ko. Nanlaki ang mata ko nang nakilala ko siya kaya binitawan ko ang kan’yang pulso.

“Kuya!” napasigaw ako sa inis.

Mahina siyang napatawa na hawak–hawak ang pulso na pinilipit ko kanina.

“Tulog muntika ka bunso!” naninita ang boses niya pagharap sa akin.

“What a stupid idea!” segunda ko agad. “Kung tulog mantika ako edi sana hindi kita naramdaman,” panunuya ko pa.

Ang aga-aga nakaka-stress si kuya. Inaantok pa ako dahil alas–dos na ako nakatulog kaninang madaling araw.

“Whatever!” umirap siya. “I’m glad na malakas ang pandama mo sa paligid, by the way here is the arm sling.” Inilapag ni kuya ang dalang paper bag sa mesa tsaka umupo sa single couch.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon