CHAPTER 85

305 18 0
                                    

Chapter 85:

Maingat kong pinunasan ang buhok ni Ruru gamit ang kan’yang tuwalya. Nakatayo siya sa isang stool sa narito sa banyo.

“Maganda ba si mommy?” tanong ko dahil kanina pa itong nakatitig sa akin.

“Opo,” nakangiting sagot niya kaya napasilay sa labi ko ang munting ngiti.

May panggigigil kong pinisil ang kan’yang ilong. “Then you got our good genes little warrior.”

“May mga night pong miss ko kayo when we are far away from each other,” ang puso ko ay parang hinaplos ng malamig na kamay dahil sa malambing niyang boses.

“What did you do when you miss me?” malambing kong niyakap si Ruru.

“Pumapagitna ako sa tabi ni lolo at lola tuwing gabi,” magalang nitong sagot.

Lumayo ako. “Hindi ka umiyak?” mabilis itong umiling.

“Ipinasyal ako ni lolo sa lake at nangisda kami,” napansin kong marahan itong ngumuso. “Kaso iyong nahuhuli kong isda ay pinakawalan ko.”

Kusang nagtagpo ang aking kilay. “Why?”

“Dahil naiisip ko po na may pamilya rin sila.”

“Yes they have a family. Pero dapat hindi mo pinakawalan sayang naman iyong effort mo,” turan ko.

“Okay lang po mommy. Basta ayokong manakit na kahit anong living things kasi kawawa sila,” sa sinabi nito ay hinawakan ko ang kan’yang magkabilang mukha.

“When the right time comes there is a circumstance you need to hurt some living things just to survive,” sa murang edad nito ay alam kong hindi niya ako maiintindihan.

“Nakakaawa po sila if I’ll do that,” namungay ang mata nito kaya napabuntong-hininga ako.

Bakit ko agad sinasabi ang bagay na iyon kay Maxirous? Nababaliw na ba ako dahil gusto ko magkaroon siya nang hint tungkol sa lipunan na kinagagalawan namin. Masama ba akong ina para imulat ito ng maaga sa realidad?

Pinili kong maging tahimik na lang. Kinarga ko si Ruru palabas ng banyo at walang imik na pinaupo ito sa kama.

Bumababa kami ng natapos ko itong bihisan. Tahimik ang living room kaya payapa agad ang naramdaman ko. Pagkaibaba ko kay Ruru ay biglang pumasok si kuya sa front door na basa ang katawan nito sanhi ng pawis.

“Papa!” ang apat na sulok ng living room ay umingay dahil sa sigaw ng anak ko.

“My dearest baby!” sa sigaw ni kuya ay narindi ako ng mas malakas pa ang boses niya kaysa kay Ruru.

When my brother open his arms my son attempt to run to him but fortunately, I stop him immediately.

“Your papa is full of sweat and I’m pretty sure may dala siyang bacteria. Ayokong mahawaan ka, anak.” Hinawakan ko ng maigi ang kamay nito.

“Ang arte mo kapatid ko!” nakabasungot na komento ni kuya.

“Malamang ayokong madumihan ang anak ko,” mataray kong saad.

Tumaas ang kaliwang kilay ni kuya sabay kibit-balikat. “Fine,” bumaling ang atensyon sa bata. “We will play later my nephew.” Sumaludo ito kay Ruru na siya rin naman ang ginawa ng isa.

Umalis na si kuya sa harapan namin saktong dumating si Assej na galing ito sa kusina.

“Ruru, pinagtimpla kita ng gatas,” dala-dala ni Assej ang isang baso.

“Upo kana sa couch,” sumunod naman si Ruru sa utos ko.

Dalawa silang lumapit sa couch sabay upo na sumunod ako. Pinili kong umupo sa single couch.

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon