Chapter 99:
I silently watched my husband and son. My husband taught our son how to swim in a basic way.
Abala sila sa swimming pool kaya ibinalik ko muna ang tingin sa kaharap na laptop na nasa ibabaw ng mga hita ko habang nakaupo ako dito sa sun lounge.
Kailangan ko muna sagutan ang mga ilang email na may kinalaman sa kompanya. Nang naipadala ko na ang huling mensahe ay tinanggal ko ang suot na anti-radiation na salamin tsaka pinatunog ang buto ko sa leeg at batok dahil medyo masakit.
Inilapag ko ang laptop sa sun lounge nang tumayo ako pagkatapos ay tinanggal ko ang nakabungkos na tali sa bathrobe na aking suot. Itinabi ko ito sa laptop kalauna’y lumapit sa pool na tanging one piece swimsuit ang suot na kulay pula.
“Mommy!” Tinapik-tapik ni Ruru ang tubig kaya napangiti ako. “Daddy teaching me the basics of how to swim,” he moves his hand and feet slowly in the water.
Hawak siya ng kan’yang daddy sa baywang para alalayan ang katawan niya na hindi lumubog. Tuluyan akong nakababa ng pool na hanggang dibdib ang tubig na lumapit ako sa kanila.
Sinadya kong sa pisngi humalik kay Dale dahil nasa harapan namin si Ruru, hindi lang muna sa labi dahil may kasama kaming bata.
Sa pagsulyap ko kay Ruru ay pinisil ko ang tungkil ng ilong niya.
“Your daddy is here na kaya may magtuturo na sa ‘yo lumangoy,” napapisil ako sa pisngi niya nang ngumiti at tumango-tango siya.
“Daddy,” ang sarap sa pandinig kapag binabanggit iyon ni Ruru.
“Yes baby?” ngayon ay kinarga na ni Dale ang anak namin na inilapit ang bibig nito sa tainga niya.
“I need to go to the restroom... naiihi na ako,” ang tangka niyang bulong ay nadidinig ko naman kaya napailing ako. Nahihiya ba siya sa daddy niya na sabihin iyon?
“Gusto mo samahan kita?” tanong ni Dale.
“Hindi na po. Pupunta po kasi ako kay Fym para makapaglaro kami eh,” natigilan ang asawa ko sa sinabi ni Ruru.
Gumalaw naman siya sa kinatatayuan na lumapit sa poolside para ilapag ang bata sa semento na kumaway ito sa amin at nagmamadaling umalis na talagang maiihi na.
Nang nawala sa paningin namin si Ruru ay nilingon na ako ni Dale na nakabasungot ang mukha na lumapit sa akin.
“Bakit ayaw na bumalik ng anak ko?” hinapit niya ang aking katawan kaya natatawa kong ipinulupot ang aking mga kamay sa batok niya.
“Makikipaglaro daw siya kay Fym kaya mamaya naman kayo mag-bonding pero sa ngayon ay ako muna ang gawin mong baby,” kinagat ko ang pang-ibabang labi para subukan magpa-cute dito na mukhang tumalab naman ng napamura siya sa mahinang paraan.
“Are you trying to seduce me hmm?” tanong niya sa mababang tono.
“Yes hubby,” diretsahang sagot ko na mas ikinahapit niya sa aking katawan kaya magkalapat na ang aming mga dibdib.
“By the way I love your swimsuit and it’s urge me to make you mine in our... bed,” naramdaman ko ang pag-akyat ng mga dugo ko sa mukha dahil sa sinabi ni Dale na sobrang titig sa aking mata. “You are blushing baby,” he chuckle lightly.
Hindi ko alam kung kaya ko ba makipagsabayan sa kan’ya dahil sa totoo lang kinikilig ang kaloob-looban ko. Ang lakas pa rin nang tama ko sa lalaking nakayapos sa akin.
“I’m excited baby,” pinanggigilan ko ang ilong niya para kunwari nasasabik ako sa sinabi niya.
Ngumisi ito na parang baliw. “Anim na taon akong tigang kaya ihanda mo sarili baka pagodin kita. I’m gonna devour you all night,” napahampas ako sa kan’ya na ikinatawa niya na talagang malulunod na naman ako sa kaguwapuhan niya.

BINABASA MO ANG
My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless
ActionMy Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless [Season Three] Started: February 19, 2023 Ended: January 22, 2024 ©2023 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous