CHAPTER 92

297 16 9
                                    

Chapter 92:

Naligalig ako sa loob nang ilang araw epekto sa sinabi ni kuya tungkol kay Simon. Tulad ng sinabi niya ay siya mismo ang kumuha rito bilang bodyguard ko.

Sa ginawa ni kuya ay pakiramdam ko naputulan o nawalan ako ng kalayaan bawat alis ko ng bahay ay palagi kaming magkasama ni Simon ngunit wala dapat akong sisihin lalo na’t may consequence na binigay si kuya kung hindi ako papayag na maging bodyguard ko ang ito.

“Akisha,” sa paglapit ng secretary ko ay yumuko ito sa aking tapat.

“Yes Mrs. Montefalcon?” magalang nito tanong bago umayos ng pagkakatayo.

Walang ingay akong tumayo. “Mauna na ako. Ikaw na ang bahala sa office,” sagot ko na ikinatango niya.

Iniwan ko siya mag-isa nang paglabas ko ng opisina ay nasa isang bakanteng bench si Simon nakaupo. May hawak itong tasa na naglalaman ng kape napansin ko na nakatutok ang tingin niya sa pader.

Mukhang malalim ang iniisip nito na hindi man lang napansin ang paglabas ko. Isang pagtikhim ay hindi tumalab kaya muli akong tumikhim na ikinagulat niya.

“Ma’am,” mabilis pa ito sa alas-kuwarto sa kan’yang pagtayo.

“Tapos ka na?” kalmadong saad ko na binigyan niya ako ng nagtatanong na tingin.

“Po?”

Gamit ang nguso ay tinuro ko ang kan’yang hawak na tasa. “Uuwi na tayo.”

Nakuha nito ang ibig kong sabihin na ikinatalikod niya para inumin ang kape. Habang nakatalikod siya ay tumingin ako sa kawalan. Hindi naman yata ako rude para ipaubos agad sa kan’ya ang kape na mainit pa.

Sa pagtingin ko kay Simon ay saktong humarap siya ulit na ngumiti ito nang tipid bago bumababa ang tingin sa tasang hawak.

“Iwan mo ‘yan sa bench. Si Akisha ang bahala,” tukoy ko sa tasa na naunang naglakad.

Dinig ko ang hakbang ni Simon, sa mga hakbang niya ay natutukso akong lingunin siya subalit nagpipigil ako. Bakit ko siya lilingunin? Matanda na ito para alalayan ang sarili niya sa paglalakad. Inilingan ko na lang ang sarili. Baliw!

Pagkarating sa parking lot ay inipit ko sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok dahil natatakpan nito ang mata ko. Sa pagtingin-tingin ko sa paligid ay napako ang atensyon ko sa kabilang bahagi ng parking lot.

Palihim ako humugot ng malalim na hininga ng papalapit ang taong ayokong makita. Ngumiti ito ng malawak kaya nginitian ko din na pilit tinatago ang kairitahan.

“One bouquet of roses for you,” he handed me the flowers so I accept it then I thank him.

“What are you doing here?” pinipilit kong maging mabait dito.

Ang kaliwang kamay nito ay napakamot sa batok niya na aniya nahihiya. “I’m looking forward if you want a dinner with me tonight,” napa – ‘oh’ ako.

“I decline your proposal because I have an errands to do this night,” hindi ako nag-alangan sabihin iyon sa kan’ya.

“Puwede akong tumulong sa mga gagawin mo para magkaroon tayo ng oras for the dinner,” tumikhim ako sabay iling.

“It is personal matters, Aeron,” pilit itong ngumiti para itago ang pagkadismaya.

“Kailan ka puwedeng lumabas?”

Nagkibit-balikat ako. “I don’t know.” He nodded.

“Call me if you have a free time pero kung mayroon man mamaya kahit eight o‘ clock ay susun—.”

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon