Chapter 105:
Nilalambing ako ni Ruru dahil gusto niya manood ng soccer na gaganapin sa Russia. Naimpluwensyahan nga ito ni kuya na kapag sila ang magkasama ay minsan iyon ang pinapanood nila sa TV.
“Mommy sa next Saturday pa naman po ‘yong game eh,” maktol ng kaharap ko.
“Let’s see if your daddy agrees with your want,” itinaas ko ang mga braso ni Ruru para maisuot sa kan’ya ang sando dahil katatapos niya palang maligo.
“Pilitin mo si daddy please po,” he blinking his eyes like a cute puppy na ikinatawa ko.
“Okay-okay sasabihin ko sa daddy mo but don't high your expectations about your daddy decision, okay?” paglilinaw ko kay Ruru at tumango siya.
Sa totoo lang ay ayaw ko pumunta kami sa Russia para manood ng soccer dahil posible na may mga galamay doon si Scarlet na nanonood din.
Nababahala pa rin ako sa kaligtasan ng bata. Kailangan namin mag-ingat dahil hindi pa natutugis ang tumambang kila Xander.
Isang linggo na ang nakalipas simula nangyari ang trahedyang iyon at si Xander ay comatose pa at minsan si Criza ay nagwawala kaya inilipat siya sa ibang kuwarto. Kailangan niya ng psychology para sa trauma na dinadanas ngayon. I felt bad for them.
Nauutakan na kami ng kalaban ngunit sa pagkakataon ngayon ay hindi na kami papayag na makagalaw sila ng mga taong malalapit sa amin.
Naghanda si Assej ng makakain ng mga bata kaya bumababa ang anak ko kasama siya dahilan para humilata ako sa kama dahil sa pagod ng katawan. Hindi ko namalayan hinihila na pala ako ng antok.
Unti-unting hinihila ako diwa ko sa kamalayan pagka’t may nararamdaman akong may basang bagay lumalapat sa aking pisngi.
Sa pagmulat ng aking mata ay hindi pa nakakapag-adjust ako sa liwanag subalit ng nagawa ko na iyon ay napa-irap ako sa taong malapit sa akin na hindi yata napansin na nakamulat na ako dahil patuloy niyang dinadampi-dampian ang aking kaliwang pisngi habang nakapikit siya.
“Hmm hubby,” ungot ko na ikinatigil niya tsaka nagmulat at ngumiti ng matamis.
“The food are ready for our dinner wifey,” my forehead creased.
Dinner? Seryuso? Mahaba pala ang tulog ko simula kaninang three pm... ay seven pm ang dinner time namin. Dulot yata ng pagod kaya mahaba ang tulog ko subalit sulit naman.
Tinatamad akong bumangon kaya inalalayan ako ni Dale na inangat niya ang aking katawan para makaupo ako. Nag-ayos lang ako ng konti upang makababa na kami para kumain.
Naabutan namin sa hapag sila Patrick, Assej, Fym at Ruru na nginitian ko sila bago naghila ng upuan sa tabi ng anak ko na pinagigitnaan namin ni Dale.
Sa gitna ng pagkain ay nag-uusap si Patrick at Dale tungkol sa business na tahimik lang kami pareho nila Assej. Tinatamad din akong sumabat sa kanila kaya bahala sila.
Kinabukasan ay napagdesisyunan namin bumisita ulit kila Xander at Criza sa hospital na gano’n pa din ang kanilang kalagayan. Sa abot ng makakaya ko ay pinapagaan namin ni Riegh ang loob ni Criza na palagi namin sinasabi malalampasan nila ang kinakaharap ngayon dahil wala naman pagsubok na ibibigay ang Maykapal na hindi natin kaya lampasan.
Mahaba-haba pa ang araw namin ngayon na naisipan din ni Dale sumaglit kami sa company para asikasuhin ang ilang reports. Nandoon naman si kuya sa bahay kaya mababantayan niya si Ruru.
“Sinabi ko na sa ‘yo noong nakaraan araw na ako na bahala sa kompanya,” saad ko habang nakakandong sa kan’ya na nagpeperma siya ng mga report.
“Naayos mo na ang mga problema sa company kaya ako na ngayon ay hahawak ulit,” kumibot ang gilid ng aking labi.

BINABASA MO ANG
My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless
ActionMy Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless [Season Three] Started: February 19, 2023 Ended: January 22, 2024 ©2023 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous