Chapter 108:
“Paano kayo nakakuha ng impormasyon tungkol sa kung saan nagtatago ang mga Balck Phoenixxxx?” walang patumpik-tumpik ay tinanong ko si kuya.
Nandito kaming apat sa opisina ko na kasalukuyan kami nakaupo sa sofa. Nag-dekuwatro si kuya bago niya ako sinagot.
“Nakadakip ang mga tauhan natin ng isang Black Phoenixxxx. Nang nalaman nila Nierhen na may pamilya ito ginamit nilang laban iyon para pagsalitain ang bihag,” kampanteng aniya ni kuya kaya napatango ako.
Nilingon ko muna sa tabi si Dale na binigyan ako ng nagtatanong na tingin rason ibinalik ko ang atensyon sa kaharap namin, kay kuya at Jarren.
“Ano‘ng plano?” tanong ko.
“Maghahanda na tayo patungo sa Baguio ngayon,” napangiti ako sa sagot ni kuya.
I’m excited.
“Mahigit tatlong oras ang biyahe doon. Six- thirty ng gabi ngayon at posible aroud ten pm nandoon na tayo,” sa sinabi ni Dale ay naiisip ko na hindi pala masyadong matagal ang biyahe.
“Nakahanda na din ang lahat. Ang mga sasama na Conquer Blood Gangster at ang mga armas,” turan ni Jarren.
Napaisip ako kung may sasabihin pa ba ako o wala na. Pakiramdam ko may nakakalimutan ako.
“By the way kuya,” sa pagtawag ko ay tumaas ang kanang kilay niya. “Nakakasigurado ba kayo na totoo ang mga sinabi nang bihag? Baka bitag iyon sa atin,” hindi masama maging advanced ang mag-isip.
Huminga si kuya. “Kapag magsinungaling ito, alam na niya ang kahihinatnan. Tulad ng sinabi ko gagamitin natin ang pamilya niya,” ang seryuso niya kaya nakakakilabot naman.
Pamilya ang pinag-uusapan kaya sana naman totoo ang mga sinabi ng bihag.
Dahil sa pagmamadali kanina ay hindi na kami nagpalit ng damit kaya nakapang-bahay kami ngayon. Nag-aya si Dale na kailangan na namin magpalit ng battle dress uniform kaya ipinahanda ni Jarren ang mga damit namin.
Pagkadating ng mga susuotin ay nagpaalam na si kuya at Jarren na lalabas sila at sinabi nila na maghihintay na sila sa baba.
Pagkabutones sa cargo pants na sinuot ko ay hindi muna ako gumalaw sa kinatatayuan ‘pagka’t nasa likod ko si Dale na tinatali ang buhok ko para hindi ito makasagabal.
Matapos niya akong talian ay humarap ako sa kan’ya na inabot ang itim na sando sa ibabaw na mesa. Sinuotan ko siya ng sando na napansin kong may ngiti sa labi niya.
“Are you feeling thrilled?” napatango ako sa tanong niya.
“This is the war that we want to end. Actually I’m thrilled but a little bit anxious about our son,” komento ko.
Hinawakan niya ang magkabilaan kong pisngi. Nagtitigan kami ng ilang sandali na ngumiti siya ulit.
“The wait is near baby. Mamaya ay nandoon na tayo, okay?” alam ko naman na pinapalakas niya lang ang loob ko at masaya na ako doon kahit papa’no.
Nagsuot na kami ng boots at sabay na tumingin sa salamin. Lahat ng damit namin ay kulay itim na parang isinadya nila na maging terno ang suot namin. Pareho kami naka-sando kaso croptop ‘yong sa akin, sa pang-ibaba naman ay parehong cargo pants. Aesthetic?
May nakakabit na holster sa baywang ko kaya ang dalang baril ay inilagay ko dahil seryuso ang sinabi ko kapag may Black Phoenixxxx akong makikita babaon sa katawan nila ang bala.
Pagbaba namin ay nakahanda na nga ang Conquer Blood Gangster. Yumuko ang mga ito na ngumiti ako ng matipid. Iginala ko ang paningin sa makakasama namin sa operasyon ngayon.

BINABASA MO ANG
My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless
ActionMy Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless [Season Three] Started: February 19, 2023 Ended: January 22, 2024 ©2023 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnonymous