CHAPTER 100

413 19 12
                                    

WARNING: THIS CHAPTER IS NOT SUITABLE TO MY YOUNG READERS!!!

Btw, be aware of typos and wrong grammar. Thank you ❤.

Chapter 100:

Tanging tango ang binibigay kong tugon sa mga empleyadong nakakasalubong dahil panay silang bati at yuko sa akin. Pagkatapat sa elevator ay hinintay namin ni Dale bumukas iyon at pumasok.

Dalawa lang kami nakasakay kaya pinindot niya ang numero ng huling palapag ng building. Nakatinginan kami at matamis siya ngumiti na pinagsiklop ang mga palad namin.

"Solo natin mamaya ang opisina mo dahil wala si Akisha," sumimangot ako dahil iba ang pahiwatig niya.

"I'm not unavailable later hubby, you know I'm a busy person," marahan siya natawa na pinisil ang ilong ko.

"Edi sa bahay na lang," natatawang umiling ako.

Kung anu-ano pumapasok sa isip ng asawa ko kaya ang sarap niya tuloy pugpogin ng halik dahil nagwagwapuhan ako sa kan'ya. Masaya kaming lumabas ng elevator at hawak kamay parin naglakad sa hallway hanggang narating namin ang opisina ko. Nang nasa loob na kami ay inilibot niya ang tingin sa kabuuan.

"The interior design is still the same," tama siya na hindi ko pinalitan ang desinyo ng opisina tulad pa rin ito ng dati.

Ito ang unang beses nakapasok ulit si Dale sa opisina namin sa loob ng anim na taon. Noong si Simon pa siya ay hindi ko man lang pinahintulutan makapasok siya.

"Re-paint lang ang ginagawa ko bawat taon. Sinasadya ko talaga na hindi baguhin ang desinyo para sa pagbalik mo ay gano'n parin. Ayokong baguhin ito kung hindi ka kasama sa pagdedesisyon," inalalayan ko siya umupo mismo sa swivel chair ko.

Nilapitan ko ang isang swivel chair na hinila papalapit sa kan'ya tsaka umupo ako.

"Magpipirma muna ako sa ilang report ng bawat department," ngiting mungkahi ko na inabot ang mga papeles para ilagay sa harapan ko.

May nakapatong nang ballpen sa mga pipirmahan kaya nag-umpisa na ako. Sa pagiging abala ko sa ginagawa ay sumusulyap ako saglit kay Dale na nakatitig ito sa akin. Hindi ako naiilang sa ginagawa niya bagkus ginaganahan ako mag-trabaho. Siguro kung palagi niya ako tititigan ay hindi ako masyadong magpapagod sa trabaho ko.

Isang hinga ang ginawa ko sa huling pinirmahan na binitiwan agad ang ballpen na nakangiting binalingan ko si Dale. Sa pangangalumbaba niya ay umayos siya ng upo sabay tapik sa kan'yang hita.

"Sit here baby," hindi ako nagdalawang isip na tumayo at umupo sa hita niya.

Isinandal ko ang aking ulo sa kan'yang dibdib na naririnig ko mismo ang tibok ng puso ni Dale. Ang tibok ay kalmado na binibigyan ako nito ng kapanatagan.

Pagkatapos niyang hinalikan ang aking ulo ay masuyo nito hinaplos ang aking buhok kaya nagsumiksik ako sa kan'ya.

"Ipapatipon ko ang Board of Directors para personal mo silang makausap. Siguro naman okay lang sa 'yo ang hawakan ulit ang kompanya natin, after all ikaw pa rin naman ang owner." Huminto siya sa paghaplos ng tumingala ako.

"Owner? Akala ko ba ikaw ang pumalit sa akin as an owner of our company." Umiling ako dito.

"Mas bet ko ang pagiging CEO kaysa sa owner. Isa pa bakit papalit ako sa 'yo? Alam ko naman babalik ka."

"What a cleaver wife," bumalik siya sa paghaplos sa buhok ko.

Tahimik kong tinitigan ang kan'yang mukha na inangat ko ang aking kaliwang kamay na hinaplos ang peklat niya.

"Gusto ko sana isuko ang pagiging CEO ngayon nandito kana," ang kilay ni Dale ay nagtagpo sa sinabi ko.

"Why? Hindi kaba komportable?"

My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon