DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.
AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.
Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Phoebe's POV
*Kringgggggggggggggggggggg*
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, kinuha ko ito sa side table para patayin. 6 o'clock pa lang naman at 8:30 pa ang pasok ko pero tumayo pa rin ako para makaligo at mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko sa university.
Ginawa ko ang morning routine ko sa banyo at pagkatapos ay pumunta ako sa closet ko para mag-bihis, sinuot ko ang isang black cargo skirt and white sleeveless crop top with a blazer and a pair of ankle boots.
Kumuha din ako ng isang shoulder bag na sakto lang ang laki, nilagay ko sa loob nito ang powder,lip gloss, perfume, notebook, pen, ipad, handkerchief and wallet kung saan nilagay ko ang blue card na gagamitin ko sa cafeteria.
Pagkatapos ko ayusin ang gamit ko ay nilagay ko sa balikat ko ang bag at kinuha ang cellphone at susi ng kotse na gagamitin ko papunta sa university bago ako bumaba.
Dumiretso ako sa dining area at naabutan doon sila kuya. "Good morning everyone." bungad ko at humalik sa mga pisngi nila.
"Good morning baby, aga mo nakagayak ha" sabi ni kuya Rille.
"Mukhang excited ka?" tanong ni kuya Rigel.
"Or maybe have a great game in her mind kaya maaga gumayak?" tanong ni kuya Rosh at tumingin sa mga mata.
"What do you think?" balik na tanong ko sa kanila.
"Just don't hurt yourself baby" sabi ni kuya Rille.
"Kidding kuya, chill lang, wala akong gagawin na masama, mag-aaral lang ako." sabi ko sa kanila habang kumukuha ng pagkain ko.
"Even though you already know all of your lessons to be tackled in class?" pang-aasar ni kuya Rigel.
"Not my fault kuya." sabi ko dito kaya nag-tawanan kaming apat.
"On point Rigel, hindi naman kasalanan ni lil' sis na matalino ang lahi natin" sabi ni kuya Rosh.
"Dadalhin mo ba ang kotse mo baby?" tanong ni kuya Rille.
"Yes kuya, why?" tanong ko rin sa kanya.
"Manghihiram ka na naman Rille? hanep talaga pagka-kuripot mo sa gas" asar sa kanya ni kuya Rigel.
"Hindi kuya! nag-tanong lang naman ako" bawi ni kuya Rille at inirapan pa si kuya Rigel.
Napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa at pinag-patuloy ang pagkain na agad ko rin naman naubos kaya bumalik ako sa kwarto ko para mag-toothbrush at sinuot ang black ankle boots ko.
Bumalik ako sa sala dahil duon ko nilagay ang bag ko kanina bago ako umakyat sa kwarto ko, nakita ko nandoon sila kuya at handa na rin para pumunta sa kumpanya.
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
General FictionThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.