Chapter 35

2 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.


AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.


Note: Slight R18


Enjoy Reading!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



Sean's POV


Nagising ako sa ingay ng mga kaibigan namin dahil nakatulog din ako kanina pagkatapos ng isang stop over namin at napagkasunduan na diretso na lang para makarating na din kami kaagad.


Kantahan sila ng kantahan sa harap at mabuti na lang ay may suot na airpods si Phoebe at hindi gaanong rinig ang ingay mula sa mga kaibigan namin.


Tiningnan ko ang girlfriend ko at hinalikan ito sa noo. She's really one of a kind, marami talaga ang kaagaw ko dahil sa ganda at bait ni Phoebe. Most of the time, others take her kindness for granted kaya mas lumaki ang trust issues nito, I'm thankful because she still trust me after our misunderstanding. 


Hindi ko alam ang gagawin ko kung tuluyang hindi na-ayos ang gulo naming dalawa o talagang pumayag siya na bumalik kay Aldrin.


I actually met her when her twin brought me to their house, Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagka-irita ng makita na maikling shorts at sando lang ang suot nito kahit noon ko lang siya nakita at hindi pa kami nagkakilala ng personal dahil kailangan nitong umalis. Pero mas nangibabaw ang pagkamangha ko sa ganda nito at simula noon ay lagi akong nakatutok kay Rave o sa mga kuya at pinsan nito kapag may kwento sila tungkol kay Phoebe. 


Dalawang taon na akong walang girlfriend ng una kong makilala si Phoebe, takot akong pumasok ulit sa relasyon dahil sa ginawa ng ex-girlfriend ko, pero hindi ko na inisip ang takot ko ng makakita ako ng pagkakataon para manligaw sa kanya.


Inaalam ko lahat ng mga nangyayari sa kanya kaya bago pa man sabihin ng mga kuya niya ang nangyari sa kanila ni Aldrin ay alam ko na ang tungkol dito. Isa ito sa dahilan kung bakit ako bumalik ng Manila, dahil nalaman ko ang panloloko ng mga itinuturing niyang kaibigan at ang lalaking gustong pumasok sa buhay niya dahil sa pera.


Hindi agad nalaman ni Phoebe ang mga ito dahil ng tinanong ko siya tungkol sa panliligaw ko ay sinabi ko lang na nagkagusto na ako sa kanya simula ng ipakilala ako ng kuya niya sa kanila. Sinabi ko ito noong araw na nagka-ayos din kaming dalawa at mas naging malapit pa kaming dalawa pagkatapos namin pag-usapan ang tungkol dito.


Pinadalan ko siya ng mga bulaklak at regalo ng wala pa akong lakas ng loob pa umamin sa kanya, sinundan ko din siya isang buwan pagkatapos niyang umalis pagkatapos ng nangyari sa kanya dito. Palagay ko ay alam na ni Rave ang feelings ko sa kambal niya ng sinabi ko na namiss ko lang siya kaya ako dumalaw pero ang totoo ay si Phoebe ang talagang pakay ko ng mga oras na iyon.

The Star will be Loved.Where stories live. Discover now