Chapter 37

4 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.


AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.


Enjoy Reading!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



*K I N A B U K A S A N*


Phoebe's POV


Nandito kaming lahat ngayon sa isang malaking suite dito sa hotel, dito na lang namin naisipan na kumain ng tanghalian.


Kanina ay hindi ako tinigilan ng mga kaibigan, pinsan at kambal ko hanggang hindi ko sila kinakausap tungkol sa nangyari kahapon. Hindi ko din naman sila matitiis kaya ngayon ay maingay na naman silang lahat kahit nasa harap kami ng pagkain.


Ngayon din ang dating nila kuya Rosh kaya mas marami ang pinadala na pagkain ni kambal. Tumawag nga din sila sa akin kaninang umaga dahil maaga kaming natulog ni Sean kagabi at nalaman nila ang nangyari kahapon, pero mabuti na lang at napa-liwanag ko na ng mabuti sa kanila kaya hindi na sila galit.


Kumakain lang kami habang kwentuhan at tawanan hanggang sa makarinig kami ng katok mula sa pintuan.


"Geo buksan mo" utos ni kuya Keid kay Geo kaya sumimangot ito bago tumayo at lumipat sa pinto tyaka ito binuksan.


"Kuya!!" sigaw ko at tumakbo palapit ng makita ko na sila kuya Rosh ang nasa pinto.


Yumakap silang tatlo sa akin at humalik sa pisngi ko.


"Hi lil' sis, parang walang kasalanan ah" bungad ni kuya Rille kaya umirap ako dito.


"Nako Phoebe Selene" sabi ni kuya Rosh kaya ngumiti ako dito.


"Kung hindi ka lang namin mahal" sabi pa ni kuya Rigel.


"Yes and I love you three" sabi ko kaya umiling na lang silang tatlo sa akin at pumasok na sa loob.


Tumayo ang mga kasama ko kanina sa loob ng makita silang tatlo kaya mas lalong umingay ang room namin. Pero wala sa kanila ang atensyon ko, kung hindi sa babae na naiwan dito sa pinto kasama ko.


"Love?" narinig ko ang boses ni Sean na tinatawag ako, mukhang hindi niya napansin ang babae na nasa harap ng pinto dahil natakpan ko ito.

The Star will be Loved.Where stories live. Discover now