DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.
AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.
Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Rille Lupine's POV
Hinayaan ko lang na matulog ang kapatid, mukhang pagod o sadyang antukin lang talaga?
Napangiti na lang ako at tinuloy ang pagmamaneho papunta sa kumpanya. By the way, I'm Rille Lupine Saros, third brother of Phoebe, she called me by my first name, while our non-relatives called me by my second name.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa kumpanya, nagpark ako sa basement at tinanggal ang seatbelt para makalabas ng kotse.
Lumipat ako sa passenger seat para sana gisingin si Phoebe pero nakita kong mahimbing na mahimbing ang tulog ng kapatid ko.
"Sleepy head baby" sabi ko at tinanggal ang seatbelt niya.
Hinubad ko ang coat ko at nilagay sa binti niya, dinala ko na rin ang bag niya at tiyaka siya binuhat. Sinara ko lang ang pinto ng kotse ko at ni-lock.
Dumiretso ako sa elevator, mabuti na lang at may nakita ako na papaakyat na empleyado kaya hindi ako nahirapan sa pagbubukas ng elevator.
"Good afternoon Sir Lupine, Ma'am Phoe--" hindi na natuloy ang pagbati sa amin ng empleyado ng makita niya ang tulog na tulog kong kapatid.
Ngumiti na lang ako sa kanya at nakisuyo para mapindot ang 12th floor papunta sa opisina ni kuya Rosh.
Bawat floor na hintuan ng elevator ay nginingitian ko na lang ang mga empleyado, buti na lang at naintindihan nila ako agad dahil nakita nila na buhat ko si Phoebe.
Tibay ng kapatid ko, hindi pa din gising hanggang ngayon.
*Ting*
Tunog ng elevator, nasa 12th floor na kami kaya lumabas ako at dumiretso sa dulo ng hallway dahil nandoon ang office ni kuya Rosh.
Nakita ko si Ms. Anna, secretary ni kuya, babatiin na sana niya ako pero umiling ako at tinignan ang kapatid kong natutulog kaya yumuko na lang siya at pinagbuksan kami ng pintuan.
"Salamat" mahinang pasasalamat ko sa kanya at dumiretso sa loob ng opisina ni kuya.
Nakita ko si kuya na may kausap sa cellphone, napatingin siya sa gawi namin at pinagpatuloy ang pakikipag-usap sa kung sino man yon.
Nilapag ko si Phoebe sa sofa at kumuha ng isang comforter sa kabinet ni kuya Rosh at iki-numot kay Phoebe, buti na lang at mahaba haba ang palda ng kapatid ko.
"Buti at hindi pa nagpa-diretso umuwi?" tanong ni kuya Rosh na mukhang tapos na sa pakikipag-usap at tinignan si Phoebe.
Lumapit siya sa natutulog na si Phoebe at hinalikan ito sa pisngi.
"Ayaw pa daw umuwi pero kanina pa antok na antok" sabi ko at naupo sa isang single seat na sofa dito sa loob ng office ni kuya Rosh.
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
Fiksi UmumThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.