DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.
AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.
Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Phoebe's POV
Pababa na ako ng hagdan at handa na para pumasok, first day of school namin ngayon and it's my first day of being a college student. I'm Phoebe Selene Vega Saros, 20 years old.
Dumiretso ako sa dining table para kumain muna ng agahan bago pumasok.
"Good morning." bungad ko kay mommy at daddy ng makapasok ako sa kitchen at humalik sa pisngi nila.
"Good morning anak, ang aga mo ah" bati nila sa akin. Paige Selena Vega-Saros, my mother, and Rylle Patrick Saros, my father.
"Yes mommy, dadaan pa kasi muna ako sa kumpanya bago pumasok para dalhin ang dokumentong naiwan daw ni kuya Rosh sa kwarto niya kanina." sagot ko kay mommy habang kumukuha na ng pagkain. He's my older brother, Rosh Wane Vega Saros.
"Gusto mo bang ako na ang mag-daan ng dokumentong kailangan ng kuya Rosh mo anak?" tanong naman ni daddy.
"No dad I can handle it, dadalhin ko po yung isang kotse ko papunta sa kumpanya para iwan duon dahil yon daw po ang gagamitin ni kuya Rosh na pang-sundo sa akin mamaya, nagpahatid lang daw po kasi siya kay Mang Boy kanina dahil masakit ang ulo." pigil ko sa gusto ni dad
"Lalabas ba kayong mag-ka-kapatid mamaya? Baka hindi kami makasama ng mommy mo, may pupuntahan kami mamaya" tanong ni daddy at nagsimula ng kumain.
"Saan tayo pupunta hon? Bakit hindi ko alam na aalis pala tayo?" tanong ni mommy kay daddy.
"May date tayo hon" sabi ni daddy at hinalikan si mommy sa noo na ngayon ay sobrang laki na ng ngiti sa mga labi.
Tsk, sa harap ko pa talaga nag-landian. Masanay na kayo, ganyan talaga sila sa isa't isa, kala mong mga teenager kung mag-harutan. Araw-araw yata silang lumalabas at kung saan-saan nakakarating nang silang dalawa lang, hindi man lang kami isama sa lakad nila.
"Good morning! and Dad, hindi na naman maipinta ang mukha nitong si Phoebe, tigil-tigilan niyo na yang harutan niyo ni mom, nasa harap pa naman kayo ng hapag kainan" bati ni kuya Rigel kila mommy at daddy, Rigel Sed Vega Saros, my second brother.
"Good morning lil' sis, sabay ako papunta sa kumpanya mamaya" bati naman ni kuya Rigel sakin at hinalikan ako sa noo bago umupo sa katabi kong upuan.
"Ako din baby! sabay mo ko ha? yes, i love you too!" gulat akong napatingin sa papasok na si Kuya Rille na dumiretso sa akin at humalik sa pisngi ko, my third brother, Rille Lupine Vega Saros.
"Why? may kotse kayo diba?" takang tanong ko sakanilang dalawa.
"Kotse mo na lang gamitin natin mamaya baby para tipid kami sa gas, mayaman ka naman eh" pilit pa nilang dalawa na akala mong walang mga nakatagong pera sa mga bank accounts nila.
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
Fiksi UmumThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.