Chapter 30

3 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.


AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.


Enjoy Reading!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



Phoebe's POV


Seryoso ako na naglalakad sa hallway, wala ng students sa labas dahil kanina pa nag-ring ang bell at pinapasok na sa mga rooms ang mga students at pinagbawalan muna lumabas dahil nagkaroon ng meeting ang mga faculty members.


Kasama ako kanina sa meeting pero Umalis din ako kaagad dahil sinabi ko lang naman ang suggestions ko about the graduation at sa mga assembly ng hindi graduating students, sa kanila pa rin manggagaling ang buong idea para sa mga students.


Lumibot ang mga mata ko sa buong university at huminto sa gitna ng hallway kung saan makikita ang malawak na field, kinuha ko ang airpods na nasa bulsa ko ng hoodie na sinuot ko galing sa nagpadala nito sa akin nung nakaraan dahil balak ko rin kausapin ang nagpadala dito, which is, si Aldrin.


Lumakad ako sa mga puno na nasa gilid ng field at humanap ng magandang pwesto para magpalipas ng oras dahil ayoko pa pumunta sa room namin kahit kanina pa ako tinatawagan ng mga kaibigan ko.


Nakahanap ako ng isang malaking puno kaya naupo ako duon at sumandal, tiningnan ko ang department building nila Sean kung saan ako galing kanina dahil duon ako dumaan galing sa conference room.


Pumikit ako ng maramdaman ang pag-ihip ng hangin, tinatangay nito ang nakalugay kong buhok. Ilang sandali pa ay dumilat ako at kinuha ang phone ko para mag-message kay Aldrin.


'Let's talk. Field, Right now.'


Pagkatapos ko itong isend kay Aldrin ay tinago ko ang cellphone ko sa bulsa ng hoodie ko, kung saan nahawakan ko ang envelope na ipapakita ko kay Aldrin. 


Naghintay lang ako sa ilalim ng puno hanggang sa makita ko na si Aldrin na tumatakbo palapit sa pwesto ko, pinanood ko lang ito na tumakbo hanggang sa makarating sa harap ko.


Mukhang nag-madali ito at hingal na hingal pa.


"Sorry, nag-hintay ka ba? Galing pa kasi ako sa room natin" hingal na sabi nito habang nakatingin sa akin.


Umiling ako dito at seryosong tumingin sa mga mata niya kaya nakita ko na umiwas ito ng tingin sa akin.


"*chuckled* Sit, I'm still harmless don't worry." sabi ko dito at ngumiti ng tipid.


The Star will be Loved.Where stories live. Discover now