Chapter 6

4 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.


AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.


Enjoy Reading!


                                                                        ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~




Phoebe's POV

Lumapit si Aldrin kung saan ako naka-upo at naupo rin sa upuan sa harap ko, dala niya yung ice cream na inorder niya para sa amin.


"Anong sabi nila Izar?" tanong ko sa kanya.


"Sunod daw sila dito after ng isang game nila, dumadami na din daw kasi ang tao sa arcade." sagot ni Aldrin.


Tumango na lang ako at sinimulan ng kainin ang ice cream sa harap ko.


"Dinner tayo after natin dito sa mall?" pag-aaya sa akin ni Aldrin.


"Ah, sorry but I need to go home by 5, hanggang 5pm lang kasi ang paalam ko." sabi ko sa kanya.


"Ganon ba, Okay lang sige." sabi ni Aldrin at kumain na lang ng kumain.


Ngumiti na lang ako sa kanya at kumain na lang din. Busy kaming dalawa sa pagkain ng marinig namin ang mga boses ng mga kaibigan namin kaya napatingin kami sa entrance nitong store.


"Phoebe! Aldrin!" sigaw ni Jazz at tumakbo sa pwesto namin.


"Ang bilis niyo naman umalis sa arcade" sabi ni Clair ng makalapit sa amin.


"Dumami bigla tao pre! parang nanawag ng mga babae ang mukha ko" pagmamayabang ni Leo


"Mandiri ka nga sa sinasabi mo" sabi ni Lyrae at binunggo ang balikat ni Leo kaya napa-tawa na lang kami ng muntik na siya sumubsob sa lamesa.


"Ang sama ng ugali mo babae!" sigaw niya kay Lyrae na hindi siya pinansin at naupo lang.


"Hindi na ako magtataka kung kayong dalawa ang magkakatuluyan" asar ni Julius sa dalawa.


"Tom and Jerry" segunda naman ni Clair.


"Minnie and Mickey" asar pa ni Izar


Napatawa na lang kami sa mga kakulitan nila at pinanood kung paano mamula si Lyrae at Leo.

The Star will be Loved.Where stories live. Discover now