"Phoebeeeee! Dito tayo bilis! nandito sila, dito yung cottage natin!" hila hila ako ng kaibigan ko habang papunta sa cottage namin malapit sa hotel kung saan kami nagi-stay.
"Sandali lang, wag kang magmadali! hindi naman tayo tatakbuhan noong cottage" sita ko sakaniya dahil hitak-hitak parin niya ako hanggang ngayon.
"Eh excited na akong maligo at kumain! bilisan mo kasi!" reklamo niya at tinuloy ang pag hila sakin.
Wala akong magawa kundi ang sumabay na lang sa kanya sa pagtakbo. Nakita namin agad ang iba pa naming kaibigan sa loob ng cottage na mga kumakain na kaya mas bumilis pa ang takbo ng kasama ko habang hila hila ako.
"Hoy! mga walang hiya kayo hindi niyo man lang kami hinintay bago kayo magsimulang kumain!" bungad niyang sigaw sa mga kasama namin.
"Ang bagal niyo kasi magbihis babe, Kanina pa mga nag-aalburoto mga bulate sa tiyan namin" mahinahong sagot naman sa kanya ng boyfriend niya. At nagsimula na nga silang mag landian sa harap ko.
"Nakita lang yung boyfriend nakalimutan na yung kaibigan" pagpaparinig ko sa dalawa kaya napuno ng tawanan sa loob ng cottage namin.
"Phoebe dito kana, hayaan mo ng maglandian yang dalawa na yan diyan" tawag sa akin ng isa ko pang kaibigan na babae at hinatak na ako papaupo sa cottage.
"Okay ka lang ba?" dugtong pa niya sa akin ng nakaupo na ako.
"Anong gusto mong kainin? Rice or Pasta?" tanong sa akin ng pinsan ko na boyfriend din ng kaibigan ko.
"Ayos lang ako, ako na kukuha ng pagkain ko, wag niyo na akong asikasuhin na dalawa" pigil ko sa kanila at kinuha na ang plato na dapat lalagyan ng pinsan ko ng pagkain ko.
Kumuha lang ako ng pagkain na kaya kong ubusin at bumalik sa upuan ko kanina para simulan ng kumain. Natahimik ang lahat dahil mga busy sa pagkain, sana ay lagi na lang kaming kumakain para ganito ang katahimikan sa paligid.
Ngunit para akong nagdilang demonyo dahil nag-umpisa na naman mag-asaran at mag-ingay ang mga kaibigan ko. Tinapos ko lang ang pagkain ko at pinanood kung paano magsubuan ang mga na sa harapan ko, at kung paano lagyan ng asin ng isa ko pang pinsan ang baso ng pinsan namin at isa pang kaibigan na lalaki na may laman na coke. Kaya lumakas lalo ang tawanan ng inumin ng dalawa ang coke na may asin, nangingibabaw ang mga boses namin sa mga katabi naming cottage. Mga sira ulo talaga.
Tumayo ako para lumabas ng cottage, pinanood ko ang mga batang masayang naglalaro ng tubig, mga nagbabasa sa pool at naghahabulan. Mayroon pang naglalaro ng volleyball sa tubig at gumagawa ng pyramid na akala mong kasali sa isang cheerdance competition dahil may mga routine pang ginagawa.
Nilibot ko lang ang mata ko sa paligid nang mapadpad ito sa ikalawang cottage mula sa cottage na kinatatayuan ko. Pilit kong inaninag ang mga mukha ng nasa cottage na iyon. Isang grupo ng mga matatangkad at mga gwapo na kalalakihan, mukhang nandito rin sila para magbakasyon tulad namin.
"Hey Phoebe! anong ginagawa mo dyan? may nakita kabang gwapo sa kabilang cottage?" takang tanong sa akin ng isang kaibigan ko kaya sabay-sabay nilang tinignan ang tinitignan ko.
"Gwapo nga naman pala ang tinititigan kaya natulala" asar nila.
"Baka kamo gago hindi gwapo" masungit na sabi ng pinsan ko ng makita kung sino ang nasa ikalawang cottage.
"Mas lalong gumaganda ang katawan nila hano?" tanong ng isang kaibigan ko.
"Mas lalong guma-gwapo" dugtong pa niya.
"Mas lalong guma-gago" segunda pa ng isang pinsan ko at tiyaka mga nagtawanan.
Inirapan ko nalang sila at ibinaling sa kabilang hilera ng mga cottage ang tingin, nagulat pa ako ng makita ang mga kaibigan ko noon sa kabilang cottage, yung cottage na katapat mismo nong grupo ng mga lalaki. Looks like we're having a small reunion here huh, interesting.
"Ano bang meron sa araw na to at nakikita ko silang lahat?" naibulong ko nalang sa sarili ko at mas lalong napa-irap.
"Baka kasi oras na para makita mo sila at harapin" gulat akong napa-tingin sa pinsan ko.
"Matagal-tagal kang nawala pinsan, 3 years din yon, pagkatapos ng last term mo ng 1st year sa university ay nawalan na sila ng connetion sayo." dugtong pa niya.
"Hindi ko naman alam na kailangan ko palang ibroadcast sa kanila ang mga nangyayari sa akin." sagot ko.
"Hindi din naman sila magtatanong, so bakit ako mag-sasabi o mag-ku-kwento sa mga taong ginawa akong tanga ng harap-harapan?" balik kong tanong sa kanya.
"Mahal mo pa ba?" tanong ng pinsan ko.
Tinignan ko lang siya sa mga mata at bumalik sa loob ng cottage at naupo.
Ilang beses ko na din na tinanong ang sarili ko tungkol diyan bago ako umuwi dito, pero ngayon ko lang nalaman ang totoong sagot sa tanong niya.
Hindi na, Matagal na.
~~~~~~~~~~~~~~
💙🌜
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
Fiksi UmumThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.