DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.
AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.
Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Phoebe's POV
Maaga akong nagising dahil ngayon ang uwi namin sa Manila, naligo ako at sinuot ang beige color na hoody na natanggap ko kagabi at isang black short.
Hinayaan ko na nakalugay ang buhok ko at kinuha ang sling bag ko, cellphone at pati na rin ang room card para sa check out mamaya bago hilahin ang maleta ko palabas ng hotel room.
Nakita ko si Geo na papalapit sa akin, dala nito ng maleta at bag pack niya.
"Hey! Let's go?" aya nito kaya lumapit ako sa kanya dala ang mga gamit ko.
"Wait up, who gave you that?" tanong niya ng makita ang dala ko na bouquet.
"Dinala sa room ko kagabi, package daw para sa akin, kasama ng hoody na suot ko ngayon." sagot ko sa kanya at tinuro ang suot ko.
Tumango lang ito sa akin at kinuha sa kamay ko ang maleta at siya na ang humila nito papasok sa elevator.
"Nasa lobby na ba sila?" tanong ko.
"Nasa restaurant na sila, we're having our breakfast bago umalis" sagot ni Geo kaya tumango na lang ako at nag-hintay na makarating sa lobby ang elevator tiyaka kami lumabas.
"You go first, ibibigay ko lang ang mga maleta natin kay kuya Lex para ma-isakay na sa sasakyan and give me your room card para makapag-check out na rin tayo, susunod na lang ako" sabi nito kaya tumango ako at tinahak na ang daan papunta sa restaurant.
Nakita ko sila sa pwesto na malapit sa buffet table kaya lumapit ako dito. "Good morning." bati ko sa kanila at naupo.
"Wow! ang ganda naman ng bulaklak na yan gurl!" sabi ni Azi ng makita ang dala kong bouquet dahil ang mga maleta lang ang isasakay sa likod ng van kaya dala ko pa rin ito.
"Sana all may bouquet!" sabi pa ni Aquila.
"Where did you get that Phoebe?" seryosong tanong ni kuya David.
"Babe naman hayaan mo naman na magka-lovelife na si Phoebe, bantay sarado na nga siya sa inyo noong nasa ibang bansa kami eh" sabi ni Azi ng mahalata na mukhang hindi gusto ni kuya David ang ideyang may nagbigay sa akin ng bulaklak.
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
Ficción GeneralThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.