DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.
AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.
Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Phoebe's POV
Nandito kaming lahat ngayon sa Auditorium dahil opening ng events para sa celebration ng anniversary ng university.
Nakaupo kami sa bandang gitna kasama ang grupo nila Sean dahil hindi naman pinag-hiwa-hiwalay ang mga department kaya kahit saan ka umupo at kahit sino ang katabi mo ay ayos lang.
Malaki ang auditorium at bukas ang mga aircon kaya hindi mainit kahit ang daming tao sa loob dahil sa dami ng mga estudyante dito sa Terra, simula grade 7 hanggang college ang pinayagan na maka-attend sa celebration dahil baka raw masapawan ng mga college students ang mga grade 1 to grade 6 students kung isasama sila sa amin.
Magkakaroon na lang yata sila ng mga sariling events sa building nila simula bukas at ngayon araw ay hindi na sila pinapasok.
"Good morning Terranians!!" sigaw ng MC sa taas.
"Good morning!!" sigaw ng mga students.
"Are you ready to start our day?!" tanong ng MC.
"Yes!" sagot naman ng mga students kaya napatakip ako sa tainga dahil sa lakas ng mga sigawan nila.
Naramdaman ko na may nag-kabit ng airpods sa tainga ko kaya nabaling ang atensyon ko kay Sean na nakatingin na pala sa akin. "Wear it, para hindi mo masyadong marinig ang mga sigawan." sabi nito at ngumiti sa akin.
"Thank you." sabi ko at ngumiti din sa kanya.
"Shocks! Bagay sila!!"
"Ang lakas ng chemistry nilang dalawa!"
"Sana ngitian din ako ng ganyan ni Sean at Phoebe!"
Napalingon ako sa likuran ng marinig ang mga impit na tili ng mga babae na nasa likod namin nakaupo. Tumahimik sila ng makita na nakatingin ako, nginitian ko na lang sila kaya napatili na naman sila tiyaka ko binaling ang atensyon ko sa MC na nasa harapan.
"We will have different booths for our celebration, like marriage booth, scan me booth, kissing booth, photo booth, fly booth, car booth, snack booth, street food booth, korean booth and etc. We will have four days for us to enjoy the different booths that our faculty members prepared for us and for the last day of our celebration will be a party, where the university invited a lot of guest even the owner of our university!" paliwanag ng MC.
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
General FictionThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.