DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.
AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.
Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Phoebe's POV
*K I N A B U K A S A N*
Nandito na ako sa room at nakikinig sa professor sa harapan kahit alam ko na naman kung ano ang mga tinuturo niya. Kanina pa rin ako naiirita sa mga tingin nila Aldrin at Clair simula ng makapasok ako ng room, pati ang mga kaklase ko ay sumusulyap sa pwesto ko ngunit miski isa sa kanila ay walang lumalapit sa akin.
Gusto yata nila mag-tanong tungkol sa eksena ng presidente nila na kupal dahil sa ginawa nitong eksena kahapon ng makapasok ako. Hindi ko na lang binigyan pansin ang mga titig nila at nakinig na lang kunwari sa prof na nasa harapan.
Malapit na kaming matapos sa klase para sa huling subject namin ngayong umaga ng makarinig kami ng katok galing sa pintuan.
*Tok tok tok*
Napalingon kaming lahat sa pintuan at hinintay na buksan ito ng professor para tingnan kung sino ang nasa likod ng pintuan.
Nagulat ako ng makita kung sino ang mga tao sa labas ng pinto. Ginagawa ng mga gagong to dito? Napairap na lang ako ng tumawa sila ng makita ang reaksyon ko.
"Ang gandaaaaa!"
"Transferee?"
"Umuulan ng maganda sa batch natin ngayon!"
"Bali-balita rin na may mga transferee sa ibang department!"
"Ang swerte natin at inabutan natin sila!!"
Ilan lang yan sa mga side comment ng mga kaklase ko ng makita ang mga kaibigan ko sa harap. Yes, you read it right, my friends are here. Kaya pala ang creepy ng mga messages at calls ng mga lintik, hindi man lang mga nagsabi na susundan ako dito.
"Hi, how can I help you?" tanong ng professor namin.
"Good morning Ms. we're the transferees" sagot ni Aquila at ngumiti.
"Oh! you may come in girls" sabi ni prof at pinapasok ang tatlo.
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
Fiksi UmumThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.