DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.
AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.
Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sean's POV
"One last step Sean, and you'll be nothing to me." hindi ako naka-kilos sa kinatatayuan ko ng marinig ang huling sinabi niya.
Mabilis kong tinakbo ang pagitan naming dalawa dahil sa sinabi niya at sinakop ang mga labi niya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya ng lumapat ang mga labi ko sa kanya bago ko ipikit ang mga mata ko.
Lumayo ako pagkatapos ng ilang segundo na paglapat ng mga labi namin kaya nakita ko ang basa nitong mukha dahil sa mga luha.
"The hell with my pride and ego mahal, I can't lose you." sabi ko at yumakap sa kanya.
Umiyak ito ng umiyak sa dibdib ko at hindi pinansin kung may iba pang tao sa paligid namin.
"Hush now baby, I'm sorry, I'm so sorry for everything" pagpapa-kalma ko kay Phoebe at hinalikan ang noo nito.
Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha sa mata nito, tumigil naman ito sa pag-iyak at humarap sa akin.
"Gago hilig magpa-iyak" sabi nito kaya tumingin ako sa mga mata nito.
"Hindi ako ganun mahal" sagot ko dito.
"I'll explain everyting, let's go" sabi ko at hinila siya papunta sa parking lot.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Phoebe kaya lumingon ako sa likod ko para tingnan ito.
Binuksan ko muna ang pinto ng passenger seat para makapasok siya at umikot para sumakay sa driver seat bago sumagot sa kanya habang inaayos ko ang seat belt niya.
Tumingin ako sa mga mata nito na seryosong nakatingin sa akin. "Saan nga?" ulit pa nito.
"Sa condo ko" seryosong sagot ko tyaka umayos ng upo sa driver seat at binuhay ang kotse ko.
"Ha? What the hell Sean?" gulat na tanong nito kaya tumawa ako.
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
General FictionThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.