Chapter 26

7 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.


AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.


Note: Sorry, super fast forward dahil excited ako :)))


Enjoy Reading!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



Phoebe's POV


Months have passed, sobrang busy ang lahat dahil dalawang buwan na lang ay graduation na. Lahat ay nag-aayos ng mga requirements para sa mga kulang nilang subjects, ang iba naman ay lumilibot na lang dito sa loob ng university dahil mga tapos na sa mga kailangan ipasa. Hindi kasi pwede magkaroon ng absent dahil graduating students at may mga biglaang meetings para sa graduation.


Marami ang nangyari sa nakalipas na ilang buwan, sila kuya na mas naging busy dahil sa mga trabaho sa kumpanya at school works din ni kuya Rigel at kuya Rille, si kuya Keid at kuya Eros naman ay nag-aayos din para sa amin na mga graduating students, si kuya David ay tinulungan si Azi na matapos ang mga  kailangan niya ipasa dahil nakapagpasa na daw ng mga requirements si kuya David last week, same with kuya Yule and Geo.


Si Aquila at Alec din ay nagtatapos ng mga gawain ngayong araw, si Lucifer ay may tinatapos na isang sketch para sa final requirements nila, samantalang si Jack ay nagko-compile na lang ng mga plates niya at ready na din ipasa same with Zibal and Sean, pero si Cloud ay may isang plates pa na tinatapos ngayon. 


Ako at si Aries ay nakapag-pasa na din last week kaya pinapanood na lang namin ang mga kaibigan namin kung paano magahol sa mga gawain. Mabuti na nga lang at sinabi ko na bigyan ng mahabang panahon ang mga students to pass their final requirements kaya na extend hanggang sa isang linggo ang huling deadline ng mga final requirements para sa mga graduating students.


Pagkatapos nito ay mga meetings at preparations nalang for graduation ang pinagkakaabalahan ng lahat.


"Hoy Cloud ibalik mo nga ang business project ko!!" lumingon ako kay Alec ng sumigaw ito.


Nakita ko naman na agad itong tumayo at hinabol si Cloud na dala ang business project ni Alec, isa kasi yon sa mga final requirements namin.


"Babe bakit ka ba nanghahabol! Gusto ko lang naman tingnan ang gawa mo!" sigaw ni Cloud kay Alec na girlfriend na nito.


Yes, ang aso't pusa na hindi pwede mag-sama sa isang lugar ang nagkatuluyan kaya madalas ay sobrang ingay sa grupo namin dahil laging pinagtitripan ni Cloud ang girlfriend niya.


"Tumatakbo ka kasi paanong hindi kita hahabulin?!" inis na sigaw ni Alec dito.

The Star will be Loved.Where stories live. Discover now