DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.
AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.
Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Phoebe's POV
2 weeks passed pagkatapos ng pag-dala sa akin sa clinic at biglaan na pagsugod nila kuya sa university ng malaman ang nangyari sa akin.
Ilang araw akong hindi pumasok dahil ayaw nila kuya at sinabi na kailangan ko pa makapag-pahinga ng maayos, okay lang din naman sa akin dahil wala na naman akong kailangan gawin sa school as a student, pero as the owner of the university ay tambak ang trabaho ko kaya kina-ilangan ko rin bumalik kaagad, at nang bumalik ako sa university ay sila kuya at sila Azi lang ang nakakaalam at sinabi ko na huwag ng sabihin sa iba naming kaibigan dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sean.
Sa loob ng dalawang linggo ay hindi ako tumanggap ng bisita, kahit ang mga pinsan ko na sumunod sa bahay ay hindi ko na pinapasok sa kwarto ko. Walang nakakaalam kung ano ba ang talagang nangyari bukod sa over fatigue daw at sumabay pa ang palpitations kaya kailangan kabitan ng oxygen dahil hirap talaga akong huminga.
Dalawang linggo na rin na hindi ko nakikita ang mga pinsan ko, ang mga kaibigan ko na lalaki at si Sean, sila Azi lang kasi ang pumupunta sa office ko sa university dahil sila lang din ang nakakaalam na nandoon ako dahil ang alam ng iba ay na sa bahay ako at nagpapahinga pa rin, mabuti na nga lang at hindi nagtatanong sila Azi kung ano ang nangyari dahil ayoko pa mag-kwento, tyaka na lang siguro kapag nakausap ko na si Sean tungkol sa nakita ko.
*Tok tok tok*
Tumingin ako sa pinto ng office ko ng marinig ang katok mula rito.
"Come in" sigaw ko mula dito sa loob at hinintay na pumasok ang tao sa pinto.
"Ms. Phoebe, lunch time na po, kailangan niyo na po kumain" pumasok si Ms. Aikee, isa sa mga professor ko noong freshmen year ko dito sa university na ngayon ay Dean na ng Business Department.
"Sige po Ms. Aikee, sa cafeteria po ako kakain ngayon, tapos na din naman po ang mga trabaho ko at kailangan na lang i-double check ang lahat." sagot ko dito at ngumiti.
"Sige hija, kumain ka ng marami okay?" sabi pa nito kaya tumango ako at tumawa kami pareho bago siya lumabas at sinarado ang pinto ng office ko.
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
General FictionThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.