Phoebe's POV
*Kringggggggggggggg*
Nagising ako sa tunog ng cellphone na nasa side table. Inabot ko ito at nakita na cellphone pala ni Sean ang tumutunog. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at ng makita na si ate Summer ang tumatawag ay ginising ko si Sean para sagutin ito.
"Love, wake up" gising ko kay Sean.
"Love, tumatawag si ate Summer, wake up na" gising ko pa dito tyaka tinapik ang pisngi kaya dumilat siya at tumingin sa akin.
"Answer it baby" antok na sagot sa akin ni Sean at pumikit ulit.
Wala akong nagawa kundi sagutin na ang tawag.
"Hoy Sean baba na kayo dito!" bungad ni ate Summer.
"Hello?" bungad ko kay ate Summer.
"Hala hoy sino ka?! Bakit ikaw sumagot ng cellphone ng kapatid ko!? Hindi papatol sayo yan at mahal na mahal ng isang yon ang girlfriend niya!" sunod sunod na sabi ni ate Summer kaya nilayo ko ang cellphone sa tainga ko.
"Bakit hindi ka sumasagot?!" tanong pa ni ate Summer.
"*chuckled* Ate Summer si Phoebe po ito" sabi ko kaya tumahimik saglit sa kabilang linya.
"Phoebe! Akala ko kung sino na, iba kasi ang boses mo! Mag-iisip na sana ako ng kung ano ano eh" gulat na sabi ni ate Summer kaya tumawa kami pareho.
"Sorry ate, kakagising ko lang po, gisingin ko na lang po si Sean then we'll go there na po" sagot ko.
"Sure sure sweetheart! Pakibatukan ang kapatid ko kapag ayaw bumangon ha!" sabi ni ate Summer at tumawa bago patayin ang tawag.
Ngumiti na lang ako dahil dito tyaka nilagay ulit ang cellphone ni Sean sa side table.
Aalisin ko na sana ang braso ni Sean na nakayakap sa bewang ko pero lalo niya itong hinigpitan at hinila palapit sa kanya.
"Love, tara na, hinihintay na nila tayo sa baba" sabi ko pero hinila ako ni Sean at hiniga sa tabi niya tyaka siniksik ang mukha niya sa leeg ko.
"5 minutes love" hirit pa ni Sean kaya umirap ako.
"What are you Sean Sky? 5 years old?" asar ko dito pero hindi niya ako pinansin at nag-iwan pa ng munting halik sa leeg ko.
"Lagi kang nandyan sa leeg ko Sean Sky" sabi ko kaya nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang mga mata ko.
YOU ARE READING
The Star will be Loved.
General FictionThe star will see her true shine and bright with her own moon. The moon that guards her from the very start of her story.