Chapter 20

8 0 0
                                    


DISCLAIMER: This is a pure work of fiction. The names, characters, businesses/companies, places, locales and events/ scenarios are only product of the Author's imagination. Resemblance to actual persons, living or dead, or actual events/scenarios are purely coincidental.


AN: In advance, sorry for all the errors about typos, grammars, letters and etc. Bare with me, this is my first story to publish here in wattpad. Thank you.


Enjoy Reading!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~




Phoebe's POV


Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, 7 am pa lang and not my usual wake up time kapag hindi maaga ang klase ko. Maaga akong nakatulog kahapon kakaisip kung kay Aldrin ba talaga galing yung mga natanggap ko na mga bulaklak at kung ano ano pa.


Letter A lang kasi ang pagkakakilanlan ko sa tao na nagbibigay nito dahil yon lang ang mga nakalagay sa mga sulat na nakuha ko kasama ng mga package. 


Umiling na lang ako at tuluyan ng pumasok sa banyo ko para maligo, tinapos ko lang ang morning routine ko tiyaka ako bumaba para mag-breakfast.


"Hi lil' sis good morning!" bati sa akin ni kuya Rigel at humalik sa pisngi ko.


"Good morning." bati ko sa kanila tiyaka naman humalik sa pisngi ko si kuya Rosh at kuya Rille.


"Ang aga mo ngayon ah, hindi ba't 7 PM pa ang start ng party niyo?" tanong ni kuya Rosh.


Umupo ako sa upuan ko bago ako sumagot. "Yes kuya, maaga din kasi akong nakatulog kagabi kaya siguro maaga din ako nagising." sagot ko.


"Oo nga, hindi ka daw nag-dinner kagabi baby, pumunta daw si Manang sa kwarto mo para tawagin ka pero mahimbing na daw ang tulog mo kaya hindi ka na niya ginising" sabi naman ni kuya Rille.


"Napagod kami kaka-ikot sa mga booths kahapon kuya, sinulit namin dahil last day naman na kahapon." sabi ko tiyaka nag-simula kumain.


"Pinadala na nga pala ni mommy sa kwarto mo yung isusuot mo mamaya sa grand ball niyo" sabi ni kuya Rosh.


"Umuwi na sila kuya?" tanong ko.


"Yes, may mga inaayos kasi sila kaya umuwi sila kahapon, pumunta din sila sa kwarto mo kanina para tingnan ka pero hindi ka na nila ginising kasi kailangan din nila umalis kaagad" sagot naman ni kuya Rosh.


"It's okay, kukulitin lang ako ni mommy na magpa-ayos para mamaya." sabi ko at tinapos na ang pagkain namin.

The Star will be Loved.Where stories live. Discover now