Chapter 16

2 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 16: Family Roadtrip 

Nathan's POV 

"Roadtrip! Roadtrip! Roadtrip!" 

Sigaw ni Ari pati na din ang mom and dad niya.

Nasa loob kami ngayon ng kanilang sasakyan. Nasa driver's seat ang dad niya habang nasa passenger's seat naman ang kanyang mom. Nasa likuran naman kaming tatlo. Nasa kabilang bintana si Damon habang nasa gitna namin si Ari. 

Kakauwi lang ng dad ni Ari galing overseas kaya naisipan nilang magroadtrip agad para makapagbonding sila. At syempre sinali nila ako upang makapagtraining kami ni Ari. 

Sem break din ngayon kaya napakaganda ng timing. 

Napakahyper nilang tatlo maliban nalang sa amin ni Damon. Naiilang kasi ako sa dad ni Ari kaya kanina pa ako tahimik. Pero ang ipinagtataka ko... bakit kanina pa parang may bumabagabag sa isipan ni Damon? Nakatitig lang siya sa bintana na para bang may malalim siyang iniisip. Kanina pa din siyang pabalik-balik na tumitingin sa kanyang phone. 

Nag-aaway na naman kaya sila ni Chloe? Minsan talaga hindi ko naiintindihan ang kapatid ni Ellise. Pero di na ako nagtataka... mahirap din naman intindihin ang mga babae. Tskk.. 

Ibinaling ko ang tingin kay Ari na ngayon ay nakangiti habang nakikipag-usap sa mom and dad niya. 

Napangiti nalang ako dahil napakasaya niya talaga ngayon. Hindi na ako nagtataka... sa tuwing uuwi kasi ang dad niya palagi siyang naeexcite na makipagbonding sa kanya. 

Sana palagi kang nakangiti ng ganyan Ari..

Ngingiti ka kaya katulad ng ganyan kung malalaman mo na si Agent Fox at Zed ay iisang tao lang? 

Biglang nawala ang ngiti sa aking labi noong maalala ang huling pag-uusap namin ni Agent Fox. 

Flashback 

"Actually... I do like Agent Grande...at ayaw kong masaktan ulit siya dahil sa iyo " saad ko kaya dahan dahan siyang lumingon sa akin.

Naglakad ako papalapit sa kanya kaya napakunot ang aking noo.

Huminto ako noong tuluyan na akong nakalapit sa kanya at tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

"I'm giving you a clue Agent Fox" saad ko kaya napakunot ang kanyang noo.

"Huwag mo nang saktan ulit si Agent Grande, Zed" nanlaki ang kanyang mata dahil sa sinabi ko. 

"Z-Zed? P-paano mo nalaman ang totoo kong pangalan?" kunot-noo niyang tanong at bahagya pang napaatras dahil batid kong nag-aalinlangan na siya sa akin ngayon. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon