Chapter 13

3 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 13: Threat

Nathan's POV 

Nagulat ako noong bigla niya akong niyakap. Bigla naman akong kinabahan dahil napakalapit na niya sa dibdib ko, baka marinig niya ang mabilis na pagtibok ng aking puso... 

"Kaya huwag ka nang magsorry Nate..." mahigpit ko siyang niyakap pagkatapos niyang sabihin iyon. 

"Holy shye----" pareho kaming napatalon ni Ari dahil sa gulat. Bumungad sa harapan namin si Astrid habang hawak hawak ang doorknob ng music room. Nanlaki ang kanyang mata at nabitawan pa ang bag na hawak niya. 

"What is the meaning of this??" tanong niya at napanganga pa. 

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa ginawa niya. Bakit ba everytime na nagmo-moment kami ni Ari ay bigla bigla nalang siyang susulpot? 

"Half day lang akong absent tas nagkaganito na kayo? Bakit ba magkayakap kayo kanina? At bakit ka umiiyak bespren? Inaway ka ba ng Nathan na ito ha??? Sabihin mo lang sa akin dahil malilintikan talaga siya--" 

Biglang tumayo si Ari at mahinang binatukan si Astrid. 

"Huwag ka ngang oa. Umupo ka nalang dito para masabihan kita tungkol sa nangyari sa akin kanina" saad niya kaya hinimas ni Astrid ang kanyang ulo kung saan siya binatukan ni Ari. Nginitian niya si Ari at humingi ng tawad. 

Bumalik si Ari sa kanyang upuan at tumayo naman ako upang makaupo si Astrid. Lumipat ako sa isang gilid at isinandal ang aking likuran sa pader. 

Nagsimula na si Ari sa pagkwe-kwento kaya nakinig naman ako. 

"Umamin na ako kay Zed kanina" panimula niya kaya mas lalong nanlaki ang mata ni Astrid. 

"Ano??" halos pasigaw na tanong niya. 

"Pero ang sabi niya hanggang magkaibigan lang daw kami dahil may iba ng nagmamay-ari sa puso niya" patuloy pa ni Ari kaya biglang napahinto si Astrid. Hindi na nagdalawang isip si Astrid at dali dali niyang niyakap ang best friend niya. 

"Well normal lang naman na dumaan tayo sa mga ganitong sitwasyon. Maaaring hindi nga siya talaga para sa iyo. But I'm sure mahahanap mo na din ang right person para sa iyo. Just don't rush and mag-enjoy ka muna." saad niya sabay tapik sa likuran ni Ari. 

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Astrid. 

Kahit na isip-bata ang babaeng ito, ang mature niyang pakinggan ngayon ha. Nakakapanibago. 

And... right person? Saan naman nanggaling yun? Ahahahaha

Napatingin ako sa orasan at ngayon ko lang napansin na malapit na palang gumabi kaya nilapitan ko na silang dalawa. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon