Chapter 35

2 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 35: Hospital  

Nathan's POV

"Ari! Ari!" sigaw ko habang sinasalo ko siya. Sinecure ko ang kanyang ulo upang hindi ito tumama sa sahig. Noong ipinikit niya ang kanyang mata ay kinarga ko siya.

Saan ba ang malapit na hospital dito?

Napansin ko sa unahan si Eunice at gulat siyang nakatingin sa akin habang nakatakip ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay.

Walang tao sa park dahil maaga pa at hindi pa din nakakabalik si manong kaya kami lang ang nandito ngayon. Kaagad ko siyang nilapitan.

"Tumawag ka ng ambulansya dali!" saad ko kaya kaagad niyang kinuha ang kanyang phone at tinawagan ang ambulansya.

Matapos niyang sabihin ang address namin ay binaba na niya ang call at napatingin sa amin.

"This is worse than I thought..." saad niya kaya napakunot ang aking noo.

"She needs to go back to her world Nathan... Hindi pa tapos ang storya niya kaya kailangan pa siya doon. Lalo lang siyang manghihina kung mananatili pa siya dito. At kung b-bawian man siya ng buhay dito.. hinding-hindi na siya maaaring makabalik pa Nathan. Once she's dead in your world, she's really dead... " saad niya kaya napatingin ako kay Ari.

She needs to go back? 


"Ano ang nangyari??"  tanong ni manong sorbetero kaya napalingon kami sa kanya. 


Nanlaki ang kanyang mata noong makita na walang malay si Ari. 


"T-tumawag na ba kayo ng ambulansya?" tanong niya kaya tumango si Eunice. 


"Malapit na po sila" saad ni Eunice. Iniyukom ko ang aking kamao habang napatingin muli kay Eunice. 


Talaga bang nanganganib ang buhay niya dito? Dito sa mundo ko? 


Ilang minuto pa ay dumating na ang ambulansya. Inilagay siya sa stretcher at pinasok siya sa loob ng ambulansya. Pumasok din ako pati na din si Eunice habang naiwan namang nag-alala si manong. 


"Mag-iingat kayo" saad ni manong habang isinara ng driver ang pinto. Tumunog ang sirena ng ambulansya at nagsimula na itong umandar. Tahimik naman kami ni Eunice sa loob. Nais ko siyang tanungin ngunit natatakot ako sa maaaring isagot niya. Hinawakan ko nalang ang kamay ni Ari habang nakatitig sa kanyang mukha. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon