Chapter 15

2 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 15: Agent Fox 

*Original Story* 

Arianna's POV 

Napakalamig ng simoy ng hangin. Nakauwi na si Ellise kanina kaya mag-isa akong naglakad papaalis sa bahay ni Astrid. 

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya napatingala ako sa itaas. 

Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana ngayon? Ngayon pa talaga umulan kung kailan wala akong dalang payong. 

Amfota. 

Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

Wala na akong ibang choice kung hindi ang maligo nalang sa ulan. 

Noong nakaabot na ako sa kalsada ay naghintay ako ng taxi. Halos mga private na sasakyan ang dumadaan ngayon kaya nahihirapan akong magcommute. 

Ilang sandali pa ay may humintong kulay asul na sportscar sa tapat ko kaya napakunot ang aking noo. Bumukas ang pinto ng driver's seat at nanlaki ang aking mata dahil napakapamilyar ng lalaki. 

"Zed?" kunot noo kong tanong. 

Nakasuot siya ng kulay puting shirt at itim na jacket. Nakasuot din siya ng itim na pants at kulay puting sneakers. Medyo magulo din ang kulay blonde niyang buhok. 

"Bakit wala kang dalang payong?" tanong niya at dali daling lumapit sa akin. Hinubad niya ang suot niyang jacket at isinuot niya ito sa akin. 

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil hinawakan niya ang magkabilang balikat ko upang hindi mahulog ang jacket. 

Amoy na amoy ko ang pabango niya dahil sa kanyang jacket kaya mas lalo akong hindi mapakali. 

"A-anong ginagawa mo dito?" kunot noo kong tanong kaya napabuntong hininga siya. 

"Pumasok muna tayo sa sasakyan ko" saad niya kaya tatanggihan ko na sana siya ngunit hinila niya ako papasok doon. 

Binuksan niya ang pinto kaya pumasok ako sa loob. Isinara niya ito at dali daling naglakad papunta sa driver's seat. 

"Susunduin ko sana si Ellise kanina dahil iyon ang utos ng dad ko pero mukhang nauna na siya" panimula niya kaya napatango ako. 

Muli kong naalala ang nangyari sa music room kahapon kaya napakaawkward tuloy ngayon. Tumingin nalang ako sa bintana at pilit na binabalewala ang presensya niya. 

Ngunit naramdaman kong bigla siyang lumapit sa akin kaya muli akong lumingon sa kanya. Kinuha niya ang seatbelt sa aking gilid at isinuot ito sa akin. Nagulat ako dahil sa ginawa niya kaya pansamantala kong pinigilan ang aking paghinga. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon