Chapter 12

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 12: Feelings

Arianna's POV 

Flashback 

Scene

"Hindi mo na dapat ginawa yun" saad ko noong tuluyan na niyang binitawan ang aking kamay. 

Nasa loob kami ng music room ngayon at ewan ko ba kung bakit dito niya ako dinala. 

"Bakit hinahayaan mo nalang siyang gawin yun sa iyo?" tanong niya kaya dahan dahan kong inangat ang aking paningin upang makita ang mukha niya. 

Medyo magulo ang kulay blonde niyang buhok at nakakabighani ang kulay light green niyang mata. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso kaya dali dali akong napayuko dahil paniguradong mamumula na naman ang aking mukha at ayokong makita niya ito. 

"Because I deserved it" saad ko ngunit nagulat ako noong bigla siyang yumuko upang tingnan ang mukha ko. 

Nagtugma ang aming mata kaya kinabahan na naman ako. Ilang segundo niya akong tinitigan kaya napalunok ako. 

Ano ba ang iniisip niya? 

"Well kung hindi mo kayang sabihin sa akin... I understand" saad niya habang inaayos ang kanyang pagkakatayo. Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa piano kaya hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya. 

Bakit ba pabigla-bigla nalang siyang nagkaroon ng interes sa buhay ko? Hindi naman niya ako napapansin noon ah. Dahan dahan kong hinawakan ang aking dibdib at pinakiramdaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso. 

Totoo ba ito? Napapansin na ako ni Zed Octavion? 

Amfota baka panaginip lang ito ha... 

"Sa tuwing nalulungkot ako o kung may problema akong sinasarili palagi ko itong pinapatugtog." saad niya at umupo sa upuang nasa tapat ng piano. Nagsimula na siya sa pagtugtog kaya nakinig ako sa malaanghel niyang tugtog. 

"Ang ganda.." mahinang sambit ko noong natapos na siya. 

"Gusto mo bang turuan kita kung papaano tugtugin iyon?" tanong niya kaya napahinto ako at napakurap pa ng ilang beses. 

Tumabi siya at tinapik ang bakanteng space sa upuan niya na para bang pinapahiwatig niyang doon ako umupo. 

"H-huwag na" saad ko ngunit nagulat ako noong bigla niya akong hinila paupo doon. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso noong hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Para tuloy siyang nakayakap sa aking likuran at naaamoy ko din ang mabango niyang perfume. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon