Chapter 25

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 25: Mess 

Ellise's POV 

"Ano na ang mangyayari sa atin?" tanong ko kay Señor at Zed. Naglilibot kami ngayon sa buong syudad at nagbabakasakaling may mahanap kaming kagaya namin. 

"We need to find survivors and after that... I think we should just continue living here until the day we die" saad ni Señor kaya bigla akong nalungkot. 

Mamamatay kami sa ganitong lugar? Wala man lang gumagalaw dito at napakatahimik. Napatingin ako sa mga taong naestatwa ngayon at bigla akong nakaramdam ng inggit. 

Mabuti pa sila... hindi na sila mahihirapang magsurvive sa nakakabinging mundong ito dahil hindi sila na-aware. 

Ganito ba ang naramdaman ni Arianna noong siya pa lang ang unang na-aware sa story niya? 

"Agent Fox??!" bigla kaming napahinto dahil sa boses na iyon. Lumingon kami sa aming likuran at nakita namin si Astrid na mag-isang nakatayo sa harap namin. Nakatutok lang ang atensyon niya kay Zed at kulang nalang maging hugis puso ang mata niya dahil kay Zed. 

Sa pagkakaalala ko siya ata ang best friend ni Arianna. Urgh muntik ko ng makalimutan na aware din pala siya. Naalala ko tuloy ang last convo namin. 

"Yieeee!!! Hindi ako makapaniwalang makikita ko sa personal si Agent Fox!!" sigaw niya at dali daling niyakap si Zed. 

Ah yes... fan na fan pala siya ni Agent Fox dahil noong nakapunta ako sa bahay nila one time, yung time na ginawa namin ang project naming tatlo ni Arianna sa bahay niya, puno ng Agent Fox merchandise ang buong kwarto niya at may mga litrato pang nakasabit sa bawat sulok ng pader nito. 

"Astrid ako ito... si Zed" saad ni Zed kaya biglang nabitawan ni Astrid si Zed. 

"Omg! Bespren sorry! After all this time nagtaksil pala ako sa kaibigan ko??! Iisa lang pala ang lalaking bumihag ng puso namin????! Ahhhhh sorry bespren huhuhu" saad niya at tinakpan ang kanyang bibig at nagdrama. 

Napairap nalang ako dahil sa reaksiyon niya. 

"Aware ka din Astrid?" tanong ni Zed kaya tumango siya. 

 Tanga ba to si Zed ha? Tinatanong niya talaga ang obvious tsk tsk. 

"Naghahanap ako ng mga aware din and lucky me, nahanap ko kayo" saad niya kaya napangiti si Señor. 

"Wala ka na bang ibang nahanap na kagaya natin?" tanong ni Señor kaya napaisip siya. 

"Na check ko na ang east side ng Sierra City and unfortunately wala akong natagpuang kagaya natin kaya naisipan kong pumunta naman dito sa west side" saad niya kaya napatango si Señor. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon