Chapter 30

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 30: Official 

Arianna's POV 

"Mom, Naomi" panimula ni Nathan habang kumakain kami. Hinawakan niya ang aking kamay kaya nanlaki ang aking mata. 

Wait.. don't tell me ngayon niya sasabihi--

"Kami na po ni Ari" pangiting saad niya kaya nanlaki ang kanilang mata. Nahulog ni auntie ang kutsarang hawak niya habang hindi nalunok ni Naomi ang tubig na iniinom niya kaya bumalik ito sa bagong hawak niya. 

Binigyan ko nalang sila ng isang awkward na ngiti. 

"A-ano??!" sabay nilang tanong kaya napatawa ng mahina si Nate. 

"Magiging sister-in-law na ba kita?" tanong ni Naomi kaya napatawa ako ng mahina. 

Dahan dahan akong lumingon kay auntie at natatakot ako sa maaaring sabihin niya. 

Baka tutol siya sa relasyon namin? At kapag nangyari yun ilalayo niya ba ako kay Nate? Aalis ba ako sa bahay nila? Saan na ako titira? 

"I'm happy for the both of you" saad ni auntie kaya napahinto ako. 

Wait... so payag siya?? 

"But Arianna..." dagdag niya pa kaya bigla akong kinabahan. 

Bakit may "but" sa sentence niya? 

"Sure ka ba sa desisyon mo? Sigurado ka ba na si Nathan ang pipiliin mo? At tatalikuran mo na ang buhay at pamilya mo para lang sa kanya?" tanong niya kaya ramdam ko ang paghipit ng hawak ni Nate sa aking kamay kaya hinawakan ko din ito gamit ang kabilang kamay ko to reassure him. 

"Sigurado po ako" saad ko kaya napatango si auntie. 

"I just hope hindi ka magsisisi balang araw" saad niya bAriago kinuha ang nahulog niyang kutsara. 

Napahinto naman ako dahil sa sinabi niya. 

Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang pagsisihan ang pagpunta dito... 

**** 

Kinaumagahan, hinatid ako ni Nate sa cafe kung saan ako magtatrabaho. 

"Are you sure magiging okay ka lang dito?" tanong niya kaya tumango ako. 

"Ari.. okay lang ba talaga sa iyo na magtrabaho? Hindi ka ba magpapatuloy sa pag-aaral mo?" tanong niya kaya napabuntong hininga ako. 

"Nate.. paano ako makakaenroll kung wala akong mga papers sa school? Wala man lang akong birth certificate dito. Para akong isang alien na napadpad dito sa mundo mo Nate, walang identity, walang rehistradong mga papeles."

"Then we will fix this" 

"I don't know Nate. I want to lay low first and kung ready na ako... sasabihan lang kita. For now I want to do this" saad ko kaya napatango siya. Niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya ng napakahigpit. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon