Chapter 6

4 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 6: Wattpad World

Nathan's POV 

"Fasten your seatbelt. Bibilisan ko ang takbo ng kotse upang mabilis tayong makauwi sa bahay" saad ni Arianna kaya isusuot ko na sana ang seatbelt ngunit bigla na niyang pinaandar ng napakabilis ang sasakyan kaya kumapit ako sa mga bagay na unang nakapitan ko.

Sh*t ayoko pang mamatay...

Gusto ko pang umuwi...

Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Señor sa akin kanina. Ang paraan kung papaano ako makakalabas sa sarili kong storya..

Flashback

"Talunin mo si Nyx upang matapos na ang storyang ito at makabalik ka na sa iyong mundo.."

A-ano? Yun ba ang tanging paraan para makalabas ako dito? Ngunit papaano?

"Paano ko naman siya tatalunin?" Tanong ko kaya napangisi siya.

"By using your power" saad niya sabay turo sa aking kamay.

My power? Ngunit hindi ko nga alam kung ano ito...

"You have the power of Nullification. It simply means na maaari mong maiwala ng pansmantala ang kapangyarihan ng isang tao. Yung barrier na nakita niyo ni Arianna kanina ay isang barrier na nagpoprotekta sa iyo laban sa kanyang kapangyarihan. Kapag ginamit mo iyon, hindi tatagos ang kapangyarihan niya sa iyo. Maaari mo ding ma-nullify ng permanente ang isang kapangyarihan kapag magtra-training ka ng maayos" saad niya kaya napakunot ang aking noo.

"Training? Bakit kailangan ko pang magtraining?" Sunod sunod na tanong ko. Gusto ko lang namang umuwi ngunit bakit kailangan ko pang magtraining?

"You need to train para mas lalong lumakas ang iyong kapangyarihan. Don't worry tho.. tutulungan ka ni Arianna sa training mo" pangiting saad niya kaya napakunot ang aking noo.

"Si Arianna? Hindi ba ikaw ang magtra-train sa akin?" Naguguluhan kong tanong kaya napatango siya na para bang alam na niyang tatanungin ko ito.

"Alam mo namang hindi ko nagagamit ang kapangyarihan ko kaya hindi ako magaling sa pag-atake at pagdepensa. Kinakailangang ma-push ang limits mo upang mas lalong lumakas ang iyong kapangyarihan and Arianna is our best option. She will push your limits until na sumibol ang iyong kapangyarihan" saad niya kaya bigla akong kinabahan.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon