Chapter 5

3 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 5: ACE Agency

Arianna's POV 

"Who the f*ck are you?" Tanong ko habang dahan dahang tumayo.

Sino ba ang lalaking ito? At bakit mayroon siyang makapangyarihang kapangyarihan? Nagawa niya akong patumbahin ng walang kahirap hirap. Ni minsan wala pang nakakagawa sa akin niyan kahit nga si Agent Fox ay hindi ako nagawang talunin noong training namin ngunit... bakit nagawa niya iyon? Kung isa siya sa mga agents ng agency namin ay bakit hindi siya nasali sa top ten agents?

Or baka naman kasali siya at hindi ko lang alam? Pero sa pagkakaalala ko walang ganoong kapangyarihan ang agency namin.

"Holy sh--!" Saad niya habang nakatingin sa kanyang dalawang kamay. Napakunot naman ang aking noo dahil doon. Bakit parang ngayon niya lang alam na may ganoon siyang kapangyarihan?

Unti unting nawala ang barrier niya kaya dahan dahan akong humakbang papalapit sa kanya.

Kapag lalapit pa ako sa kanya maaaring maulit muli ang nangyari kanina, and ang worse part is baka masaktan niya ako...
Ngunit... ang ikinatataka ko ay kung bakit wala siyang relo na katulad nung sa akin? Kung miyembro siya ng agency namin ay kailangang mayroon siyang ganoong relo.

Kailangan ko siyang dalhin kay Señor...

Wala akong tiwala sa kanya.

"Diyan ka lang. May tatawagan ako" saad ko at pumunta muli sa palikuran.

Sana walang tao doon upang matawagan ko si Señor. Kailangan ko muna siyang kausapin tungkol dito.

****

Nathan's POV 

"Diyan ka lang. May tatawagan ako" saad niya at napansin kong napahawak siya sa kanyang relo kaya napangisi ako.

Tatawagan niya si Señor...

Alam ko... dahil ako ang gumawa sa kanya.

Aish wala pa din siyang tiwala sa akin. Pero aside from that... MAY KAPANGYARIHAN AKO DITO WTF?? Totoo ba talaga ito? Tangina.. Kung totoo man ito ayoko nang bumalik sa lugar ko. 

Noong tuluyan nang nakalabas sa emergency room si Arianna ay napansin ko ang biglaang paghinto ng orasan at paligid kaya napakunot ang aking noo.

Nakakapagtaka...

Tumayo ako at sinundan si Arianna. Binuksan ko ang pinto at napansin kong naglalakad siya papunta sa banyo.

Ang lahat ng mga nadadaanan niya ay bumabalik sa paggalaw, gaya ng mga naglalakad na nurse, mga pasyenteng nakaupo sa waiting area at iba pa. Para bang kung saan siya pumupunta ay tila bumabalik sa paggalaw ang mga tao at bagay ngunit kapag nalampasan na niya ito ay biglang bumabalik sila sa pagpause. At batid kong hindi ito alam ni Arianna.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon