Chapter 1

10 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 1: Nathan

Year 2018

Nathan's POV

Napakaganda talaga ng storya mo

Can't wait for your next update

Sana naman magkaaminan na silaaaa

Still waiting na malaman na nila ang kanilang true identities kyaaa

Wag mo naman kaming bitinin

Update ka na pleaseee

Napangiti nalang ako habang binabasa ang mga comments ng readers ko. Nakakatuwang isiping nagustuhan nila ang kwentong binuo ko.

Nilagay ko ang aking phone sa bulsa ko at tinanggal ang aking salamin. Pinunasan ko iyon bago ibinalik.

Napatingin ako sa aking sariling repleksiyon. Nakasuot ako ngayon ng itim na polo na may checkered na vest. Nakatuck-in ito sa black pants ko na may belt. Suot ko din ang paborito kong tictac na sapatos at leather na sling bag.

Nilagyan ko ng gel ang aking buhok at hinati ito. Minsan na din akong pinagtritripan ng aking kapatid dahil nagiging kamukha ko na daw si Jose Rizal dahil sa style ng aking buhok kaya sinasabihan ko din siya na kamukha niya si Melchora Aquino hahaha.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Naamoy ko kaagad ang luto ni mom kaya napangiti ako. Dali dali akong umupo sa hapag at hinintay na ihain niya ang pagkain.

"Morning mom" bati ko sa kanya. Lumapit siya sa lamesa at nilagay sa gitna ang plato na may lamang ulam.

"Good morning din anak" pangiting saad ni mom bago kinuha ang suot na apron.

Morena siya at may kulay brown na buhok na hanggang leeg niya. Nakasuot siya ng pambahay na t-shirt at short. Nakatsinelas din siya at medyo magulo ang kanyang buhok dahil mukhang hindi niya pa ito nasusuklayan.

Napangiti nalang ako dahil kahit maraming pinagdaanan si mom sa kanyang buhay, nagagawa niya pa din na ngumiti para sa amin.

Kiara Buennavista {A/N: isa siyang character sa first serie ko which is One Last Time ;) } ang pangalan ng nanay ko at noong pinakasalan niya si dad ay naging isang ganap na Mrs. Skies na siya ngunit... hindi naging maganda ang buhay asawa niya.

Hindi niya alam na may tinatagong karamdaman pala si dad. May sakit siyang tinatawag na Schizophrania at kasalukuyang nasa mental hospital ngayon. Dahil sa sakit niya hindi niya namamalayang sinasaktan na pala niya si mom at napakasakit na isipin yun.

Naging mahirap din ang pakikihalubilo namin ng aking kapatid sa mga tao dahil natatakot sila sa amin. Ang sabi nila anak daw kami ng isang baliw at maaaring madala din namin iyon at maaaring manakit din kami sa kanila.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon