Chapter 23

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 23: Reality 

Year 2018

Nathan's POV

Binuksan ko ang aking mata at ang unang napansin ko ay ang ilaw na nanggagaling sa computer ko. Nakabukas ang wattpad doon, sa huling chapter ng storya ko to be specific.

Napatayo ako at napakunot ang aking noo dahil napakadilim sa loob ng kwarto ko.

Panaginip lang ba ang lahat ng iyon?

Hindi... nakakasiguro akong totoo ang lahat ng iyon.

Naglakad ako papalabas sa kwarto ko at ang unang bumungad sa akin ay si Naomi.

"Nathan.." saad niya habang hawak-hawak ang kanyang kape na nakalagay sa mug. Nakapajama siya ngayon at hula ko plano na niyang matulog ngayon at gagamitin niya ang kape bilang pantulog.

Ewan ko ba sa babaeng ito, mas nakakatulog daw siya ng mahimbing sa tuwing iinom siya ng kape. Abnormal na ata ang katawan niya.

"Look.. about sa sinabi ko sa break-up niyo ni Sabrina kanina... I'm sorry---" kaagad ko siyang niyakap dahil namiss ko siya.

Ilang buwan din akong nastuck sa storyang iyon kaya nakakamiss ang mukha ng kakambal ko.

"What the fvck? Lumuwag ba ang turnilyo ng utak mo?" inis na tanong niya at pilit na kumakalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

Hindi kasi siya sanay na niyayakap ko siya kaya naiintindihan kong naiilang siya ngayon.

"Na-miss lang kita Naomi" saad ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap.

"Anong na-miss?? Kanina lang tayo nagkahiwalay dahil pumasok ka sa school mo. Nahihibang ka na ba?" tanong niya kaya napakunot ang aking noo at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Ano? Hindi ako nawala ng ilang buwan?" tanong ko kaya tumango siya.

Then does that mean huminto ang oras noong napunta ako sa wattpad? But that doesn't even makes sense.

"Mom! Nababaliw na ata si Nathan!" sigaw ni Naomi kaya dali dali kong tinakpan ang kanyang bibig.

"Anong kahibangan na naman ba to Naomi?" tanong ni mom habang sinasara ang pinto ng kanyang silid.

"Mom!" bungad ko sa kanya kaya nakuha ko ang kanyang atensyon. Sinamaan ko naman ng tingin si Naomi bago nginitian si mom.

"Mom sa tingin ko may nasira na wire sa ilaw ko" saad ko kaya napakunot ang noo ni mom.

Pumasok si mom sa kwarto ko at chineck ang ilaw ng aking kwarto.

"Uupakan talaga kita kapag may sasabihin ka kay mom" saad ko kay Naomi kaya napairap siya.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon