Chapter 4

6 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 4: First Encounter

Arianna's POV 

Tapos na kaming kumain kaya nagbato- bato pick kami ni kuya kung sino ang maghuhugas ng pinggan. Sa huli ay siya ang natalo kaya siya ang naghugas.

Pasimple naman akong umupo sa sofa at nanuod ng tv habang nakasimangot na naghuhugas si kuya ngayon.

Bigla kong naalala na tatapusin ko pa pala ang 'I promise' ko kaya kinuha ko ang aking bag. Kinuha ko din ang bondpaper na sinulatan namin ni Astrid kanina. Malapit na itong matapos kaya napangiti ako.

Ang swerte ko talaga at naging kaibigan ko si Astrid. Kung makikilala niya lang si Agent Queen paniguradong magkakasundo din sila.

Binuksan ko ang aking pencil case ngunit napakunot ang aking noo dahil wala na akong ballpen.

Amfota nakalimutan ko palang bumili ng ballpen kanina. Nakakainis!!

Malayo-layo pa naman ang convenience store kaya patay ako.

"Mom may extra ballpen po ba kayo?" Tanong ko kay mom at halos pasigaw na ito dahil nasa second floor siya.

"Isa lang ang ballpen ko anak at ginagamit ko ito ngayon!" Sigaw niya kaya napabusangot ako.

Si kuya kaya?

Lumingon ako sa kanya at napansin kong nagpupunas na siya sa kanyang kamay.

"Kuya may extra--" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil biglang nagring ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bulsa at sinagot ito.

"Hello?" Saad niya kaya ibinalik ko ang aking atensyon sa aking pencil case.

"Ano??! Pupuntahan kita diyan kaya huwag kang aalis" tarantang saad niya at dali daling kinuha ang susi sa kanyang sasakyan. Dali dali naman akong tumayo at hinarangan ang pinto.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko. Isinuot naman niya ang kanyang hoodie na nakasabit sa gilid ng pinto.

"Kailangan kong iuwi si Chloe sa condo niya" saad niya kaya napangiti ako.

"Sasama ako! Bibili ako ng ballpen" saad ko at dali daling kinuha ang aking wallet.

"Whatever. Just hurry up" saad niya bago lumabas. Lumabas din ako at binuksan ang gate.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon