Chapter 34

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 34: Faint 

Nathan's POV 

"Dahil iyon ang hiling ng taong mawawala sa akin" saad niya pa at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Dahil iyon ang hiling ni Samuel.."

Hiling ni Samuel.... 

Flashback 

"I hope magiging tayo sa future" 

"Syempre tayo ang endgame. Pakakasalan kita Ari kahit anong mangyari" 

"Pero kailangang makagraduate ka muna at magkakaroon ng stable na trabaho" \

"At magpupublish ako ng maraming libro at magiging milyonaryo. At tsaka nakita mo ang bakanteng lote na iyon?" 

"Bibilhin ko yan at diyan natin itatayo ang ating mansyon" 

"Huwag mo din kalimutan ang kwarto ng ating mga anak" 

"Ilang anak ba ang gusto mo?" 

"Dalawa lang. Tapos ang ipapangalan ko sa panganay natin ay Samuel" 

"Samuel? Hahaha napakaunique naman ata niyan" 

"Eh bakit ba?? Napakaganda kaya ng meaning ng pangalan na yan. 'name of God'. Diba ang angelic pakinggan?" 

"Paano kapag babae?" 

"Eh di papangalanan natin siyang Samantha. Either way Sam ang magiging nickname nila. Ang cool lang diba?"

"Okay lalakihan natin ang room ni Sam. Samuel man o Samantha hahaha" 

End of Flashback 

Coincidence lang ito hindi ba? 

"I have to go. Papunta na si Arianna dito" saad ni Eunice at tumalikod. Lumingon naman ako sa aking likuran at tama nga siya. Naglalakad na ngayon papunta sa akin si Ari. Halatang nakasimangot pa din siya ngayon kaya nag-isip ako ng mga paraan upang makabawi sa kanya. 

Aalis kaya kami dito? Ngunit saan naman kami pupunta? Anong lugar ba ang hindi namin napuntahan ni Sabrina? 

"Nate" 


******


Arianna's POV 

Nakatitig lang ako sa salamin. Mabuti nalang at may public cr dito sa park at mabuti nalang din at walang ibang tao dito. Ni-lock ko ang pinto ng cr at pinaagos ang tubig sa faucet. Nanghilamos ako at napatitig sa aking repleksyon. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon