Chapter 33

1 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 33: Real Talk 

Nathan's POV 

Napatawa nalang ako habang binbasa ang kwentong binuo ko. Tama nga si Ari. Maraming nagbago nga sa storya. 

Ngayon ko lang napansin na naiba na pala ang plot. Nafocus ang story sa buhay ni Ellise at Damon. At ang mas nakakatawa pa, dahil si Ellise ang isa sa main character, nababasa mismo dito kung ano ang iniisip niya and take note, aware siya sa kwento ha. Maraming readers ang naguguluhan sa kwento dahil sa iba't-ibang sinasbai ni Ellise tuwing point of view niya ngunit natatawa lang ako. 

Baliw pa din pala si Ellise hanggang ngayon. I just hope she will shine in her story. 

"Nate" rinig kong tawag ni Ari sa akin. Kaagad kong pinatay ang aking computer at tumayo. Mabuti nalang at hindi niya napansin yun dahil kinukusot niya pa ang kanyang mata. 

"Ari gising ka na pala" saad ko kaya tiningnan niya ako at ngumiti. Napakaganda talaga ng kulay asul niyang mata. It's like an ocean. 

"Hindi ba masakit ang ulo mo?" tanong niya kaya napangiti ako. 

Actually nagising ako kanina dahil sumakit ang ulo ko at pagkatapos nun hindi na ako makatulog kaya naisipan ko nalang na basahin ang storya ko. 

"Hangover yan. Tara ice cream muna tayo? Pampatanggal ng hangover" saad ko kaya tumango siya. 

"Magbibihis muna ako" saad niya kaya tumango ako. Tatalikod na sana siya ngunit napahinto siya. 

"Nate... nabubuksan mo na ba ang story mo sa wattpad?" tanong niya sabay turo sa computer ko. Napahinto naman ako dahil sa sinabi niya. 

Sasabihin ko ba sa kanya? Kung sasabihin ko sa kanya, may posibilidad na magbago ang isip niya at umuwi sa kanyang mundo. Kung hindi ko naman sasabihin sa kanya, magiging selfish ako. 

But... I've never been selfish my entire life. So I should right? Kahit ngayon lang... 

"Hindi pa" saad ko kaya napabuntong hininga siya. 

"Well that's good to hear" rinig kong bulong niya bago tuluyang umalis. Bigla namang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. 

Anong ibig niyang sabihin doon? Kung sinabi ko ba sa kanya ang totoo magbabago talaga ang isip niya? 

Napailing nalang ako at pumunta sa banyo. Nagsipilyo ako at naghilamos. Isinuot ko ang aking jacket at salamin. Lumabas ako sa aking kwarto at eksakto namang lumabas si Ari mula sa kwarto ni Naomi. 

Nakasuot siya ng kulay purple na oversized shirt at maong na shorts. Nakatali ang kulay pink at purple niyang buhok at nakasuot siya ng salamin. 

"Saan kayo pupunta?" tanong ni mom na kakalabas lang din sa kwarto niya. 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon