Chapter 9

2 0 0
                                    

□ □ □ ■ □ □ □

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

□ □ □ ■ □ □ □

Chapter 9: Off-screen

Arianna's POV

Napabalikwas ako ng bangon. Hingal na hingal ako kaya hinawakan ko ang aking dibdib.

Bakit ba ako kinakabahan?

"Anak! Sa wakas nagising ka na" bungad ni mom sa akin na nakaupo pala sa tabi ng higaan ko. Dali dali niya akong niyakap kaya napakunot ang aking noo.

"Anong nangyari sa akin mom?" Tanong ko.

"Limang araw ka ng walang malay anak dahil kay Nathan..." saad ni mom bago bumalik sa kanyang upuan.

Dahil kay Nate? Kaagad na nanlaki ang aking mata noong maalala ko ang lahat ng nangyari.

I need to tell Señor...

Dali dali akong bumangon kaya napatayo din si mom.

"Saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong niya. Dumeretso ako sa aking cabinet at kinuha ang uniform sa agency ko.

"May importante akong sasabihin kay Señor" saad ko habang sinusuot ang aking uniporme.

"Pero anak hindi ka pa masyadong magaling..." nag-aalalang saad ni mom kaya nginitian ko siya bilang assurance na okay na ako.

"I'm fine mom don't worry" saad ko at pinindot ang button kung saan pinapalabas ang aking maskara.

Lumabas ako sa bintana ng aking kwarto at nagmadaling tumakbo papunta sa agency.

*****

Nathan's POV

5 days ago...

"Ari? Ari!!!" Tarantang sigaw ko noong nawalan siya ng malay. Dali dali ko siyang sinalo at mabuti nalang at nagawa ko iyon.

Inalog ko siya ng mahina at hinihiling ko na sana gigising siya dahil doon ngunit hindi...

Kasabay ng pagkawala ng kanyang malay ay kasabay din nun ang paghinto ng paligid. Bumalik sa pagiging estatwa ang lahat ng mga makikita mo sa buong lugar.

Nawala ang malamig na simoy ng hangin, huminto sa pagsasayaw ang mga dahon na dala ng hangin, huminto ang mga tunog ng mga kuliglig at tanging ako lang ang natitirang gumagalaw.

Nawalan ng malay ang main character, ibig sabihin hihinto din pansamantala ang kwento hanggang sa magigising siya.

Pero ano ba ang kailangan kong gawin?

Iuuwi ko muna siya sa bahay nila bago ako mag-iisip ng plano.

Walang kahirap hirap ko siyang kinarga at naglakad ako pabalik sa sasakyan na hiniram niya sa kanyang kuya. Binuksan ko iyon at pinaupo siya sa front seat.

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon